24 Anyos na Lalaki, Binuntis at Nilayas ang 48 Anyos na Girlfriend

Dumulog ang isang 48 anyos na ginang sa programang Raffy Tulfo In Action upang humingi ng tulong para makausap niya ang 24 taong gulang na boyfriend nito. Lumayas ang kanyang boyfriend ng mapagalitan niya dahil nakabas4g ito ng pinggan.

Sumbungan Ng Bayan

Ang programa ni idol Raffy Tulfo ang tinaguriang sumbungan ng bayan sa kadahilanang karamihan ng Pinoy ay dumudulog dito para sa samut sari nilang problema. Mula sa mga reklamo ng mga naaapi, hanggang sa mga problemang pag-ibig ay idinudulog ng mga taumbayan sa programang Raffy Tulfo In Action.

Isa na nga rito ang problema ni Marlene Joyce Dela Torre, isang 48 anyos na ginang na hiwalay na sa dating asawa. Siya ay dumulog kay idol Raffy upang makausap niya ang naglayas niyang kinakasama na si Jumel Juanga, 24, at ama ng dinadalang sanggol ng buntis na si Marlene.

Nakabas4g Ng Pinggan

Ayon sa kwento ni Marlene, nabas4g ng knyang kinakasama ang kanilang plato at napagsabihan niya ito at iyon ang naging sanhi ng paglalayas nito. Sinabi ni idol Raffy na tila mababaw na rason iyon para maglayas si Jumel kung kaya’t minabuti ni idol Raffy na tawagan ang kapatid nito.

Nakausap ni idol Raffy ang nakatatandang kapatid ni Jumel na si Juvel at kinumpirma nga nito na ang dahilan ng pag-alis ng kanyang kapatid ay tungkol sa nabas4g nitong plato. Nakipagsagutan din ang 11 taong gulang na anak ni Marlene sa unang asawa kay Jumel at ito raw ang nagpalayas sa lalaki.

Mababaw Na Alitan

Pinayuhan ni idol Raffy si Jumel na umuwi na at ayusin na ang anumang gusot na namagitan sa kanila ni Marlene sapagkat di magtatagal ay magiging tatay na siya. Kinausap din ni idol Raffy ang anak ni Marlene sa unang asawa, at sinabihang bigyan ng tsansa si Jumel dahil mahal ito ng kanyang ina.

Nanawagan din si Marlene sa kinakasama na umuwi na at huwag magpadala sa mga sulsol ng mga kamag-anak na gusto silang paghiwalayin. Ipinaalala nito na magiging ama na siya kung kaya’t kailangan niya ng maging mature.

SOURCE: Youtube

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *