26 Na Myembro At Tagasunod Ng NPA, Sumuko Na Sa Gobyerno!

Sa administrasyon ng Duterte ay tila tumindi ang hangarin ng mga rebeldeng NPA na mapakinggan ang kanilang hinaing sa gobyerno. Ito ay naipapakita ng grupo sa paggawa ng krimen na kanilang kinasasangkutan. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na hangad ng gobyerno ay ang peace talks na patuloy nitong inaalok sa grupo hindi lamang ng pangulong Rodrigo Duterte bagkus ay sa mga nagdaang presidente din ng bansa.

Hindi madali ang buhay ng mga rebelde na kung saan ay namumuhay sila sa mga liblib na kabundukan. Malayo sa bayan at sa normal na takbo ng buhay. Ganunpaman, may mga kwentong bayan na ang mga ito ay nagnanakaw ng mga alagang hayop at nangunguha ng mga menor de edad upang isali o i-recruit sa kanilang grupo. May mga nagtatagal sa ganitong buhay at ang iba ay nililisan ang samahan upang makapagbagong-buhay.

Pagsuko Ng Mga Rebelde

Sa isang post ng isang Facebook page, Hukbo.com, ibinalitang 26 na myembro at supporter ng mga rebeldeng NPA ang sumuko mula sa Eastern Samar kahapon. Bagaman ay hindi pa nailalahad ang kwento sa likod ng mga pagsukong ito ay may mga litrato itong ipinakita na kung saan ay sinusunog ng mga ito ang bandila ng makakaliwang grupo, na syang senyales ng pagtakwil nito sa samahan.

Ayon sa report ng Philippine Army, ang 26 na rebeldeng sumuko ay mula sa Barangay Pandal, Can-avid, Eastern Samar. Sila ay sumuko sa 14th Infantry Batallion sa pangunguna ni Lieutenant Commander Jimmy V. Jimenez noong December 2. Ang pagsuko ng mga nasabing myembro ng NPA ay bunsod ng Community support program ng Philippine Army at ng civil military at intelligence report sa lugar.

Bagong Buhay

Naging positibo naman ang mga reaksyon ng mga netizen ukol sa balita. Hindi lamang ito ang kauna-unahang batch ng mga rebeldeng sumuko. Marami na ang nauna at isa sa mga ito si Ka Tina na sya ngayong nagbibigay ng mga lecture sa mga kabataan ukol sa naging buhay nito bilang kinatawan ng NPA. Ayon sa mga netizen, hiling nila ay unti-unting mabuksan ang kaisipan ng iba pang rebelde at sumuko na nang sa gayon ay makapagsimula na sila ng bagong buhay.

Para sa mga netizen, isang kahangalan ang sumali sa grupo ng NPA na kung saan ang mga ito ay naghihirap na mamuhay sa mga bundok habang ang mga matataas na opisyal na namumuno nito ay nasa ibang bansa at nakakariwasa sa buhay.

26 NPA rebels and supporters surrender in Eastern Samar yesterday, December 02, 2018. #SupportOurTroopsSTORY TO FOLLOW

Posted by Hukbo.com on Sunday, December 2, 2018

Ito naman ang ilan sa naging komento ng ilang kababayan natin.

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *