3 Hurado ng Idol Philippines, Binatikos Dahil sa Komento sa Isang Contestant

Umani na naman ng batikos ang 3 hurado ng sikat sa TV program na Idol Philippines dahil sa mga nasabi nitong komento sa isang kalahok. Marami sa mga netizens ang nagsabi na kung nagkataong may itsura ang contestant ay tiyak itong papasa sa 3 hurado. Ang Asias Songbird Regine Velasquez lamang ang nag yes sa performance ng nasabing kalahok.

Hindi Karapat Dapat

Bago pa man magsimula ang premiere season ng Idol Philippines ay binatikos na ng mga netizens ang mga napiling maging hurado ng nasabing programa. Ang mga hurado sa Idol Philippines ay sina Moira Dela Torre, Vice Ganda, James Reid at si Regine Velasquez. Ayon sa mga netizens, tanging si Asia’s Songbird lang ang karapat daat na maging hurado sapagkat bagama’t sikat ang tatlo, wala pa sila sa level kung saan pwede silang maging hurado sa isang singing contest.

Si James Reid ay isang sikat na artista, at bagamat kumakanta din ang binata, hindi masasabi na may sapat na kaalaman ito sa larangan ng paghuhurado. Maging si Moira Dela Torre ay ganun din, isa sya sa may pinakamagandang boses sa industriya ngunit napakabago pa lamang niya para maging hurado. Si Vice Ganda naman ay malamang inilagay maging hurado upang magpatawa lamang.

Diskriminasyon?

Sa huling episode ng programa na inere nuong Mayo 12, isang binata na nagngangalang Luke Baylon ang sumali sa patimpalak. Si Luke ay maitim, at wala sa itsura upang maging isang heartthrob, ngunit makikita mong may talento siya sa pagkanta. Kinanta nya ang reggae version ng “If I Ain’t Got You” ni Alicia Keys, at nagampanan niya naman ito ng maayos.

Pagdating ng oras kung saan magbibigay na ng hatol ang mga hurado, hindi nagandahan ang 3 hurado sa performance ni Luke. Tanging si Regine Velasquez lamang ang sumagot ng “yes” at sinabi niyang sa kabila ng mga sablay na nota, ganun talaga ang pagkanta ng reggae. Ang huradong sina Vice, James, at Moira ay nakulangan sa ginawa ni Luke at pawang “No” ang hatol.

Reaksyon Ng Netizens

Ayon sa mga netizens, tanging si Regine Velasquez naman daw talaga ang tinaguriang “judge” at ang 3 ay puro komento lamang. May mga nagsabi na sana sa susunod daw ay sa talento tumingin ang ibang hurado at hindi sa itsura ng kalahok.

“Si Regine lang naman ang true professional singer diyan and she knows what’s the best and di nya deserve to work with the 3 judges. Seriously, they know nothing about the real music.”

SOURCE: Youtube / Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *