4 Na Taong Gulang Na Bata, Himalang Nakaligtas Sa Natupok Na Bahay

Isang sunog ang naganap sa Cubao, Quezon City kamakailan. Ang nasabing sunog ay nangyari sa isang residential compound, at dahil na rin sa lakas ng apoy at nakasaradong pinto, hindi na nagawang sagipin ng mga kamag-anak ang naiwang 4 na taong gulang na babae mula sa natutupok na bahay. Nang maapula ng bumbero ang sunog, hindi akalain ng kaanak ng bata na siya ay himala palang nakaligtas sa sunog.

Isang Kandila

Ayon sa residente ng natupok na bahay, isang kandila ang malamang na pinagmulan ng sunog. Naiwan itong nakabukas ng mga matatanda, samantalang naiwang mag-isa ang 4 na taong gulang na bata at malamang ay naglaro ito ng apoy na naging sanhi ng sunog.

Sa bilis ng pagkalat at dahil sa saradong pinto, hindi naisalba ng mga kaanak ang bata. Sa lakas ng sunog, inakala ng kaanak ng bata na naabo na ito dahil sa lakas ng apoy at sa tagal ng pagapula dito.

Precious, nasaan ka na?”

Umabot din ng isang oras bago naapula ng Bureau of Fire Protection ang nasabing sunog. Bukod dito umabot din ng 4 na oras ang paghahanap ng kaanak sa bata. Ngunit bigo sila sa kanilang paghahanap.

Bunga marahil ng desperasyon, tinawag ng lolo ng bata ang kanyang apo, bagama’t alam nito na maliit na ang tsansang makaligtas pa ito sa nangyaring sakuna. “Precious, nasaan ka na?”

Nandito Po Ako

Matapos ng ilang oras na bigong paghahanap sa bata, isang palang himala ang di inaasahan ng nasunugang pamilya. Matapos tawagin ng lolo ang kanyang apo, ay narining nilang sumagot ito. “Nandito po ako”.

Himalang nakaligtas ang bata sa gitna ng malakas na sunog na sanhi para matupok ang bahay. Siya ay natagpuan sa isang sulok ng natupok na bahay, wala anumang galos o sunog sa katawan.

Bagama’t naupos ang kanilang bahay, lubos ang kanilang pagpapasalamat sa Diyos dahil niligtas nito ang kaisa isa nilang yaman, ang kanilang Precious.

Panoorin ang Video:

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *