700 Lumad Tribal Leaders, Nagsama-sama Upang Paalisin ang Grupo ni Satur Ocampo at mga Rebeldeng NPA

Nito lamang nakaraang Miyerkules ng gabi ay naaresto ang dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo at ACTS-Teachers Party-list France Castro matapos mahuli sa isang check point sa Talaingod Davao Del Norte na may lulan na mga menor de edad palabas ng bayan. 5 van ang nahuling convoy ng sinasakyan nila Ocampo at Castro na kung saan ay mayroong 14 na kabataan na sinasabing ni-rescue ng grupo nila Satur dulot umano ng pang-aabuso ng militar sa mga estudyante ay mga guro doon.

Anggulo Ng K!dnapping At Human Trafficking

Hindi naman pinaniwalaan ng mga pulis ang binigay na dahilan ng grupo nang may isang kabataan ang nagsumbong na sila ay kinuha nang labag sa kanilang kagustuhan. Ang tinitingnang anggulo sa ngayon ng mga pulis ay k!dnapping at human trafficking. Ang mga bata ay sinasabing ginagawang recruit upang umanib sa grupo ng mga NPA.

Banta Ng Lumad Tribal Leaders

Sa pagputok naman ng balitang ito ay agad namang tumulak ang 700 tribal leaders ng mga Lumad sa Talaingod, Davao Del Norte upang tuluyang paalisin ang mga NPA sa lugar. Misyon ng grupo na paalisin ang hanay nina Satur Ocampo at France Castro ng ACTS-Teachers Party-list. Panawagan ng mga lider ng Lumad ay itigil na ang panggagamit sa mga kabataang Lumad. Ipinasara din umano ng mga Lumad tribal leader ang Salugpongan School na syang kinukuhanan ng mga CPP-NPA ng mga bagong recruit upang lumaban sa gobyerno.

Sa mga litratong inupload ni Mocha Uson sa kanyang Facebook page, sama-sama at buong lakas ang pagdalo ng mga matatandang Lumad leaders sa Talaingod. Sa kanilang mga placard ay sinasabi ng mga ito,

“Satur Ocampo, itigil ang linlang sa mga inosente”

Pinapalayas din ang grupo ng ACTS party-list at inihayag na edukasyon ang kailangan ng kanilang tribo at hindi ang magpasakop sa mga makakaliwang grupo.

Buong Suporta Ng Mga Netizen

Komento naman ng mga netizen, sana ay maging matagumpay ang pagpapalayas ng mga Lumad sa mga rebeldeng NPA kasama ng grupo ng Bayan Muna at ACTS-Teacher party-list. Suportado nila ang ginawang aksyon ng mga Tribal leaders upang sa gayon ay matapos na ang mga karahasan at pang-aabuso ng mga rebelde.

Nagkaisa ngayon ang 700 Tribal Leaders at mga IPs/Lumad sa Talaingod Davao del Norte sa pagpapatalsik ng mga…

Posted by MOCHA USON BLOG on Friday, November 30, 2018

SOURCE: Facebook

Comments

comments

1 thought on “700 Lumad Tribal Leaders, Nagsama-sama Upang Paalisin ang Grupo ni Satur Ocampo at mga Rebeldeng NPA

  1. Mula noon pa sa Mindanao hangga ngayon ayaw ng mga NPA ang bata dito makapag-aral kasi pag mya pinag aralan na kokontra na sa kanilang ginagawang masama , kaya hangga ngayon marami pang NPA dito at di maubos-ubos kasi pinagbabawalan nilang mag-aral , isa pa ayaw nila ang isang pamilya mag control sa pagpanganak kasi pag kaunti lang ang iyong anak mapaaral mo at mabihisan o mabigyan mo ng magandang kinabukasan , sa education kasi uunlad ang buhay ng tao at di na nila pweding dektahan at linlangin , malalaman ng mga tao ang masamang gawain ng mga NPA at DI na papanig sa kanila , ayaw na ayaw ng mga NPA at simbahan na panig sa NPA kasi mawawalan sila ng taga suporta at colection sa mga tao kaya gusto nilang ignorante ang mga tao para easy lang nilang utusan sa ano mang bagay ipagawa nila sunod agad ang tao.
    Ang RUBBER processing namin dito sinunog ng mga NPA ? ang mga tao naghirap lalo na mga trabahador sa planta at mga planters lumiit ang kita kasi nagmura ang rubber kasi di na maprocess at biglang bumaba ang presyo at sa bundok ipanakaw pa ng mga NPA sa mga tauhan nila, sila na ang magbinta sa mga small buyer , pag pumalag ka PAPATAYIN ka nila , so makisama kana lang, wala kasing magawa ang may ari ng rubber. ganito ang mga nangyayari sa amin dito dahil sa mga NPA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *