Agot Isidro May “Parody” Sa Viral Video Ni Mocha Uson

Lalong umiinit ang pagpapalitan ng maaanghang na salita ng dalawang magandang dilag na nasa magkasalungat na kampo sa pulitika. Sina Agot Isidro At Mocha Uson aymadalas nagbabangayan sa isyung politika dahil sa magkasalungat nilang paniniwala dito. Kamakailan ay nagviral ang video ni Mocha tungkol sa pagiging malamig ng lugar na binisita nito.Hindi naman nagpahuli si Agot at agad gumawa ng video parody ng nasabing video.

Isyung Politikal

Alam ng lahat na si Mocha Uson ay isang masugid na taga suporta ng administrasyong Duterte, samantalang si Agot Isidro naman ay isa sa mga artistang kontra sa pamumuno ni Duterte. Kung kaya’t hindi miminsan na sila ay nagpukol ng iba’t ibang batikos laban sa isa’t-isa.

Sila ay parehong celebrity, kung kaya’t marami ang kani-kanilang mga followers. Maging ang kanilang mga followers ay nagbabatuhan din ng kani-kanilang puna sa pagdedepensa sa kanilang mga idolo.

Walang Personalan

Kung isyung politikal lamang ang kanilang pinag-aawayan ay madali natin itong intindihin. Ngunit sa kagustuhan nilang malamangan ang isa’t-isa, nagiging personal na ang kanilang mga pagbatikos. Dito nababahiran ng dungis ang kanilang mga karakter, at nagmimistula silang mga batang nag-aaway.

Kamakailan lang ay naging viral ang video ni Mocha Uson kung saan sinasabi niyang malamig ang kanyang lugar na pinuntahan. Isang walang malisya video, na binatikos ng mga kalaban sa pulitika at ginawang katawa-tawa si Mocha Uson.

Parody

Kamakailan ay naglabas din si Agot Isidro ng video kung saan napapaligiran siya ng niyrbe, o “snow”, at ginaya nya ang mga mismong sinabi ni Mocha Uson sa sariling video nito. Pagkatapos nuon ay tumawa si Isidro ng isang sarkastikong halakhak.

Naging viral din ang nasabing video parody. Wala mang saysay ang nasabing video ay tila paraan ito upang maliitin ang kalaban niyang si Mocha Uson sa pamamagitan ng cyber-bullying. Alam naman nating hindi papayag si Mocha at tiyak na gagawa ito ng hakbang upang makaganti sa ginawang parody ni Isidro.

Abangan ang susunod na kaganapan.

Ito ang Video na Panggagaya ni Agot:

Agot Isidro's version of Lamig

Shade Agot! Hahahahhaha

Posted by Pinoy Ako Blog on Monday, February 11, 2019

Ito naman ang Video na ginaya ni Agot:

Ito naman ang komento ng ilang Netizen tungkol dito.

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *