Ai-Ai Delas Alas, Bumitiw na Bilang Manager ng Ex-Battalion

Kamakailan ay nagpatawag ng pressco ang sikat na komedyanteng si Ai-Ai Delas Alas upang ianunsyo na nagbibitiw na siya billang manager ng sikat na hiphop grou na Ex-Battalion. Hindi na raw niya kaya ang stress na idinuduot ng grupo sa kanya kung kaya’t tulluyan niya ng iiwan ang grupo.

Ex- Battalion Lumaki Ulo

Sa presscon na naganap, ipinagtapat ni Ai-Ai na matagal niya ng gustong bumitaw bilang manager ng grupo, ngunit siya ay nahihiya sa Viva Films dahil mayroon silang pelikulang ipalalabas kung kaya’t pinili niyang magpatuloy bilang manager ng grupo.

Ngunit dahil na rin sa pagiging “unproffesional” ng ilan sa mga kasapi ng grupo, pati na rin aniya sa kawalan ng respeto ng mga ito sa kanya, mas mabuti na bumitiw na siya bilang mga manager nito. Marami na raw ginawang mga kasalanan ang grupo sa kanya at nagbibigay ito ng lubos na stress sa kanya.

Hindi Propesyunal

Sinabi ng sikat na komedyante na ang grupo ang siyang lumapit sa kanya at nakiusap na maging manager ng mg ito. At dahil sa kagustuhan niyang tumulong, pumayag siya. Ngunit hindi niya kalaing puro sakit ng ulo ang ibibigay ng mga ito sa kanya. May mga gigs daw na hindi nila dinadaluhan, at kadalasan daw ay hindi kumpleto ang mga ito at laging nag-aaway.

Marami daw mga commitments ang grupo na ghindi nadadaluhan dahil lamang ayaw nila. Ikinwento ni Ai-Ai kung paano siya napaiyak ng minsang mag-gig ang grupo sa probinsya ngunit 2 ang hindi nagising at naiwanan ng flight, samantalang ang isa ay hindi gusto sumama dahil magpapakulay lamang ito ng buhok.

Walang Respeto

Ikinwento rin ni Ai-Ai kung paano tila wala ng respeto ang ibang miyembro ng Ex-Battalion sa kanya. Hindi nito sinusunod ang mga payo niya, at tila nagdududa pa sa mga pinansyal na aspeto ng pamamahala niya. Ito ay sa kabila ng paliwanag ni Ai-Ai na hindi niya na kailangan panng mag manager sa kanila dahil sapat na ang yamang naipon niya mula sa 30 taon niya sa showbusiness.

Sa ngayon ay masaya si Ai-Ai sa pagbibitiw niya bilang manager ng grupo. Ito rin daw ang matagal ng hinihiling ng asawang si Gerard, lalo na pag nakikita niyang umiiyak si Ai-Ai sa kahihiyan sa ginagawa ng grupo.

SOURCE: Youtube

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *