Airport Staff Pinapaluhod at Pinapagsorry ng Pasahero ng Delayed Flight

Isang lalaki ang viral sa social media ngayon dahil ummano sa paggawa ng eskandalo sa isang airport sa China. Nahuli sa video ang pagmamataas ng lalaki habang pinipilit niyang paluhurin ang airport staff para humingi ng tawad sakanya dahil sa delayed flight.

Delayed flight

Nangyari ang insidente ngayong Sabado sa Zhengzhou Xinzheng International Airport sa Henan China. Ayon sa mmga ulat, talaga naman daw delayed ang flight dahil sa masamang panahon.

Nung binanggit ito ng staff uminit ang ulo ng mga tao at nagkumpulan sa may desk ng staff. Isa sa ga pinakamainit na ulo ay ang lalaking nakastripes. Makikita sa video na pinagduduro niya ang airport staff at sinasabing dapat daw ay lumuhod ito at i-representa ang kanilang kumpanya sa paghihingi ng tawad sakanila. Kahit sumasagot ang staff, hindi parin magpapapigil sa inis niya ang lalaking nakastripes. Mukhang gusto talaga nito na lumuhod ang staff sa harap nila.

Ang lalaki at ang mga kasama niya ay mga pasahero ng West Air na papuntang Shenzhen mula Zhengzhou.

Trabaho lamang

Sa kabila nang pag init ng ulo ng lalaki, nanatiling matigas ang airport staff. Dahil ayon sakanya, ginagawa lang naman daw niya ang trabaho niya.

Isa pa, masama ang lagay ng panahon, hindi naman ito hawak ng mga airport at lalong lalo na ng staff nito kung madelay man ang flight. Dahil iniisip lang naman nila ang magiging kapakanan ng kanilang mga pasahero.

Netizens react

Galit at gigil naman ang hatid ng mga netizens sa lalaking “walang manners”. Marami sakanila ang nagpunto na wala naman talagang kasalanan ang staff at ginagawa lang nito ang trabaho niya.

Mayroon pang nag-joke at nagsabe na kinakailangan ba daw niyang magdemand ng paghingi ng tawad sa magulang ng lalaking nakastripes dahil sa paganak ng katulad niya? Kung raw mag sorry ang magulang ay pipilitin niya mmagsorry ang staff sakaniya.

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *