“Alternate Philippines,” Pinagkaguluhan ng mga Netizen sa Social Media

Ang sinasabing pinakamaduming laro sa lahat ng uri ng laro ay ang pulitika. Dito ay makikita ang pagsisiraan ng mga kapwa magkakalaban, korapsyon para lang manalo sa posisyon, at humahantong sa patayan para lamang makuha ang hinahangad. Sa usaping pulitika, nagiging mainit ang mga diskusyon at debate dulot ng pagkakaiba ng paniniwala ng mga Pilipino. Malaki ang nagiging parte nito sa bahay ng bawat tao. May mga sumusuporta sa mga “Dilawan” at may mga nagmamahal sa mga “DDS.”

Laro Ng Pulitika

Sa paglala ng bangayan sa pulitika, nagiging katatawanan na lamang ito sa para sa iba. Dilawan ka man o parte ng DDS, heto ang isang post ng isang Facebook page na tiyak ay hindi mo palalampasin na hindi makita. Ang Malayang Pilipino na Facebook page na naglalayon na maghatid ng mga balita at hindi lamang purong balita bagkus mga memes o katatawanan na kinasasangkutan ng mga taong kilala sa larangan ng pulitika.

Alternate Philippines

Samu’t saring litrato ang inilabas ng “Ang Malayang Pilipino” na sinasabi nitong Alternate Philippines. Ang mga litrato ay nagpapakita ng posibilidad na mukha ng mga pulitiko sa kabaligtarang pagkakakilanlan nito. Unang una sa listahan ang larawan ni Leni Robredo na syang naging VP Benny kung ito ay magiging lalaki. Hindi din nakatakas sa mata ng mga sarkastiko ang pangulong Duterte na naging Rodriga Duterte. Nasa hanay ng mga oposisyon ay sina Risa Hontiveros, Franklin Drilon, Maria Ressa, Leila De Lima, Kiko Pangilinan, Mar Roxas, at iba pa na syang hindi pinalampas ng mga netizen na kastiguhin.

Patok na patok naman sa mga netizen ang larawan ni Bong Go na naging Bong Ga nang magmukhang babae. Ang mga anak ng pangulo na sina Sara Duterte at si Sebastian Duterte.

Mga Kilalang Personalidad

Hindi din nakawala sa paningin ng mga gumawa ng meme sina dating Pangulong Noynoy Aquino at Gloria Macapagal Arroyo. Kasama din ang mga maiinit na personalidad na sina Senator Antonio Trillanes, Joma Sison, dating CJ Lourdes Sereno, Atty. Gadon, at Gary Alejano. Pinagpyestahan din ang mga litrato ng mga taga-ulat na sina Arnold Clavio, Mike Enriquez, Erwin Tulfo, Mon Tulfo, at Karen Davila. Napasama din sina James Deakin, Sister Patricia Fox at Robin Padilla na naging bokal sa kanyang mga pahayag ukol sa isyu ng pagkakansela ng amnestiya ni Senator Trillanes noong nakaraang buwan. Ang mga Marcos na sina Imee, Bongbong at dating First lady Imelda Marcos ay hindi nawala sa listahan.

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *