Ambassador Ng Denmark Binatikos Ang Mga Negatibong Pahayag Ng Media Ukol Sa Gobyerno

Sa isang porum tungkol sa kaligtasan ng mamamahayag na ginanap kamakailan, sinabi ng Ambasador ng Denmark na karamihan sa mga media ay may negatibong pananaw sa kanilang pagpapahayag, lalo na sa usapin tungkol sa gobyerno.

Kulang sa Ethical Standards

Sa isang pahayag na ibinahagi ng ABS-CBN News sa Facebook, sinabi ni Danish Ambassador Jan Top Christensen na nagbabasa siya ng ibat ibang media araw-araw, at napapansin nyang tila puro negatibo ang mga pahayag ng media tungkol sa gobyerno.

Sinabi ni Christensen na ang tila sistematikong pagbaliko ng mga balita lalo na sa usapin sa gobyerno ay isang patunay ng hindi pagsunod ng mga media sa alituntunin ng “journalism standards”.

Walang Propesyonalismo

Dahil sa negatibong pahayag ng media, hindi nito binibigyang hustisya ang tunay na ginagawa ng gobyerno. Ito ay labag sa “ethical standards” at tanda ng kakulangan ng propesyunalismo ng mga organisasyon ng media.

“I read many different media everyday and I must say some of these media are systematically negative,”To me, it’s lack of ethical standards, lack of professionalism.” (Ako ay nagbabasa ng ibat ibang klase ng media araw-araw, at masasabi kong ang mga media na ito sistematikong nagpapahayag ng negatibo. Para sa akin, ito ay kakulangan ng etikal na pamkantayan at kakulangan sa propesyunalismo.”)

Seguridad At Kaligtasan Ng Media

Sa kabila ng kanyang pahayag sa estado ng media sa bansa, sinabi pa rin ni Christensen na ang seguridad at kaligtasan ng media ay dapat alagaan ng gobyerno. Sinabi nyang sa kanyang bansang Denmark, ang media ay makapangyarihan, at ang papel nito sa demokrasya ng isang bansa ay hindi matatawaran.

Sa naturang porum, sinabi din ni National Union of Journalists in the Philippines chairman Nonoy Espina na sila ay nababahala sa mga pagpatay at pang haharass sa mga mamamahayag. Sinabi nyang walang distinksyon kung ang mamamahayag man ay nagkasala ng corrupt journalistic practice o hindi, walang sinuman ang may karapatang kumitil ng buhay ng isang journalist.

The envoy stressed that “systematically negative” media are not able to present what the government is doing, a practice he attributed to poor compliance with journalism standards.

Posted by ABS-CBN News on Wednesday, November 7, 2018

Ito ang ilan sa mga pahayag ng mga netizens:

Source: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *