Anak Diumano Ng Mayor Sa Laguna, Gumawa Ng Eksena Sa Bar Sa Makati

Isang babae ang gumawa ng eksena sa labas ng isang bar sa Makati kamakailan, at ipinagyayabang nito sa mga nakasagutan na siya ay anak ng isang meyor sa Laguna. Ang kanyang video ay kumalat na sa social media at naging tampulan ng batikos dahil sa kanyang inasal.

Gusto Mo Ng Sample?

Sa isang video na ibinahagi ng Happy Pinoy sa Facebook, makikitang dinuduro at sinisigawan ng isang babae ang isang grupo ng manginginom sa isang bar sa Makati. Ayon sa nagvivideo, nagpakilala daw ito diumano na anak ng isang mayor sa Laguna at ginugulo ang mga umiinom sa bar.

Maririnig mismo sa video na sumisigaw ang babae na tila naghahamon, ng tanungin siya kung sinong mayor ang magulang nya? Sinagot nya ang mga ito ng “Oo, bakit gusto nyo ng sample?” na lalong ikinainis ng grupo.

Wag Mo Akong Ivideo!

Nang mapansin ng babae na siya ay kinukunan ng video ng isa sa mga grupo na inaaway niya, ay lalo itong nagalit. Pilit nyang pinapatigil ang pagkuha sa kanya, ngunit sinagot naman sya ng lalaki, na karapatang nyang kumuha ng video sapagkat maaari nila itong gawing pruweba kung sakali man.

Maging ang pulis na umaawat sa kanila ay inutusan ng babae na kunin ang phone ng nagvivideo ngunit alam ng pulis ang karapatan ng bawat isa kung kaya’t hindi siya sumunod sa utos ng babae. Maging ang pulis ay tila naiinis na rin sa kilos ng babae kung kaya’t hindi nito pinapansin ang mga utos nito.

Pagbabanta

Sa kalaunan ay tila nabatid ng babae na hindi niya kayang daanin sa pananakot ang grupo ng kalalakihang kaaway niya ngunit bago matapos ang video ay nagbitiw pa ito ng isang pagbabanta.

Muling lumapit ang babae sa kinaroroonan ng grupo at nagsabing ”Hindi niyo kilala ang ginag49o nyo! Watch Out!”. Imbes na matakot ang mga lalaki ay nagtawanan pa ito, na lalong ikinainis ng babae.

Sa mga ikinilos at inasal ng babae sa video, mahirap isipin na kukunsintihin siya ng kanyang magulang, maski mayor man ito. Ang pag-inom ay dapat inilalagay sa lugar, at hindi inilalagay sa ulo. IIsa ang sipa ng pulang kabayo, anak ka man ng mayor o hindi.

Panoorin ang Video:

CLICK HERE FOR THE SOUND…

Posted by Happy Pinoy on Friday, February 8, 2019

Ito naman ang galit na komento ng mga Netizen.

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *