Atty. Francis Tolentino, Sumagot Na sa Hamon ni Mike Enriquez

Nagkaroon ng pagkakataon na makapanayam ni Arnold Clavio ng GMA News si Atty. Francis Tolentino na isa sa mga bagong senador na pumasok sa Top 12 ngayong nagdaan na Halalan. At sa nagtrending na diumano paniningil ni Mike Enriquez sa mga bagong halal na senador ay naitanong na din ni Clavio kung ano ang masisingil rito ng sambayanan sakaling maupo na ito sa senado.

Bayad Ni Tolentino 

Ayon kay Francis Tolentino o mas kilala sa tawag na “Tol,” tututukan nito ang disaster management sa ating bansa. Katulad ngayon na malaki na ang pinsala ng El Niño sa bansa na umabot na sa walong bilyon na naitala. Aniya ay malaki ang epekto at nakakain na pera sa gobyerno ng mga pinsala katulad ng tagtuyot na nabanggit at pati na rin ang mga pagbaha. Tututukan din nito ang MMDA at LTFRB bilang napamunuan na nito dati ang ahensya ng MMDA. 

Binanggit din nito ang emergency power ng presidente upang maibsan ang matindi at malalang traffic sa EDSA. Kaisa naman ito sa pag-maintain ng checks and balances sa Executive, Legislative, at Judicial Departments.

Pag-endorso Ng Pangulo

Isang malaking tulong umano kay Tolentino ang pag-endorso sakanya ng pangulong Rodrigo Duterte. Mas lalo itong nakilala at naging maganda ang standing sa nagdaang senatorial election. Kung noong 2016 ay hindi ito pinalad at napunta lamang sa tail end ng canvassing, ay ngayon ay naging maganda ang posisyon nito sa ika-siyam na pwesto. Kung noong nakaraang halalan ay hindi ito pinalad ay masaya itong makapasok sa Top 12 at nasa magandang standing. Nagpasalamat ito sa mga sumuporta at bumoto sakanya lalo na sa 13 milyong botante na hindi sya iniwan noon at ngayong halalan.

Suporta Ng Netizens 

Nagpabatid naman ng pagbati ang mga netizens sa ngayon ay opisyal nang pagkapanalo ni Atty. Francis Tolentino bilang senador. Anila ay naniniwala itong may mabuti at magandang hangarin ito para sa bansa.

Nawa ay magawa nito ang mga balakin upang umunlad ang bansa. Ika nga ng isang netizen, si Tolentino ay isa sa mga pulitiko na may vision para sa mga Pilipino. 

Francis Tolentino 

Nakilala si Tolentino bilang ninth chairman ng MMDA noong 2010 hanggang 2015. 

SOURCE: Facebook

Comments

comments

1 thought on “Atty. Francis Tolentino, Sumagot Na sa Hamon ni Mike Enriquez

  1. i voted for you because i believe in what you have done in mmda. ipagpatuloy nyo ang naimpisahang mga successful projects.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *