Atty. Glenn Chong, Nagsampa ng Patong-patong na Kaso Laban kay PNP Director Chief Supt. Carranza

Isang buwan na ang nakalipas matapos pumutok ang balitang p4t4y na ang close-in aide ni Former Biliran representative Glenn Chong na si Richard “Red” Santillan. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din isinusumite ng PNP ang mga ebidensya na magdidiin sa namayapang si Santillan at upang patunayan na lehitimo ang kanilang operasyon noong gabi ng pagkakap4sl4ng dito. 

Patong Patong Na Kaso Laban Kay Carranza 

Sa isang panayam ni Erwin Tulfo kay Atty. Chong sa Radyo Pilipinas ay nagbahagi ito ng kilos nito na isinasagawa ukol sa kaso. Ayon kay Chong, nagsampa ito ng patong patong na kaso laban kay PNP Southern Tagalog Director Chief Superintendent Edward Carranza. Dalawang kasong kriminal at isang kasong administratibo ang hinain nito sa Ombudsman. Ang dalawang kasong kriminal ay ang paglabag sa, 

  1. PD 1829 Obstruction of criminal prosecution
  1. Art 226 of Revised Penal Code RA 3815

At ang kasong administratibo ay, 

  1. Violations of code of conduct of public officials 

Hindi pa dito natatapos ang mga kasong nakaamba laban kay Carranza. Ayon sa election lawyer ay magsasampa pa ito ng kaso laban sa pagt0rtur3 at murd3r kay Santillan.

Mga Police Unit Na Hawak Ni Edward Carranza 

Dagdag pa ni Chong, ang mga nagsagawa ng operasyon ay ang Regional Intelligence Division, Regional Special Forces Unit, at Regional Highway Patrol Group na kung saan lahat ng units na nabanggit ay under ni Carranza. Ibig sabihin nito ay hindi kikilos ang mga ito kung walang basbas ni Southern Tagalog Chief Superintendent. 

White Wash 

Sa ibang isyu naman na napag-usapan nina Tulfo at Chong, mariing pinangangatawanan diumano ng Camp Crame na lehitimo ang kanilang operasyon laban kay Santillan. Ngunit kwestyonable ang pahayag na ito dahil hanggang ngayon ay walang mailabas na ebidensya na makakapagpatunay ng kanilang lehitimong operasyon. Tila diumano ay hindi pa tapos ang mga ito na magluto ng mga ebidensya, ayon sa dating Biliran representative.

Pinabulaanan Ang Autopsy Report Ng SOCO

Sa isyu naman na kung saan ay tin0rtur3 ang biktima ay pinanindigan naman ng SOCO at Medico Legal na ang 63 na tama sa katawan ni Santillan ay dulot ng autopsy na sya namang pinabulaanan ni Atty. Glenn na isa ring magaling sa pagdating sa Forensic examination. 

Patuloy Na Suporta 

Nagpasalamat naman si Atty. Glenn sa patuloy na pagsuporta at pagtutok ni Erwin Tulfo sa kasong pinaglalaban nito upang mabigyan ng hustisya ang pagkakap4sl4ng sa matalik nitong kaibigan at bodyguard. 

EXCLUSIVE: UPDATE SA KASONG PAGPATAY SA AIDE NI ATTY. GLENN CHONG

EXCLUSIVE:PNP SOUTHERN TAGALOG DIRECTOR, CHIEF SUPT. EDWARD CARRANZA SINAMPAHAN NG PATUNG-PATONG NA KASO SA OMBUDSMAN NI ATTY. GLENN CHONG KAUGNAY SA PAGPATAY SA KANYANG AIDE NA SI RED SANTILLANGEN. CARRANZA TILA WINA-WHITE WASH NA RAW ANG KASO NI SANTILLAN

Posted by Erwin Tulfo on Wednesday, January 9, 2019

Ito naman ang naging komento ng ilang kababayan natin.

Source: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *