Babaeng Hinoldap Ng Taxi Driver, Tumalon Sa Bintana Ng Taxi

Dahil sa takot sa maaaring mangyari sa kanya, isang babae ang tumalon mula sa bintana ng isang tumatakbong taxi matapos siyang holdapin ng mismong driver nito. Sa kabutihang palad ay galos lamang ang inabot ng babae, samantalang ang suspek na taxi driver ay nahuli sa kanyang bahay matapos ang follow-up operations ng pulisya.

Driver Na H0ldaper

Sa isang ulat na ibinahagi ng GMA News sa Facebook, nahuli ng CCTV camera ang pagtalon ng isang babaeng nabiktima ng holdaper na taxi driver. Agad namang tinulungan ng mga nakakita ang kawawang biktima na sinuwerteng nagtamo lamang ng galos sa mga braso nito.

Ikinwento ng babae na siya ay hinoldap ng mismong taxi driver na kanyang sinakyan. Pagsakay pa lamang niya ay hiniram na nito ang kanyang celfone upang gumamit ng Waze, ngunit hindi naglaon ay tinutukan na siya ng patalim, at naganunsyo ng holdap. Kinuha nito ang 600 na pera ng babae at gusto pa nitong kunin ang kanyang bag.

Buong Loob Na Tumalon

Dahill na rin sa mabilis na pag-iisip ng babae, nabuksan niya ang bintana ng taksi at ng bumagal ito sa isang interseksyon ay naisipan niya ng ito ang pinakamagandang pagkakataon para makatakas kung kaya’t buo ang loob na tumalon ang babae mula sa bintana ng taksi.

Mabuti at galos lamang ang inabot ng babae sa kanyang pagtalon. Agad naman siyang sinaklolohan ng mga nakakita at mabilis ding ipinabigay alam sa kapulisan ang nangyari upang mahuli agad ang suspek na taxi driver.

Kalaboso

Sa paghahanap ng pulisya sa suspek, nagpunta ang mga ito sa operator ng taxi na maayos din nakipagtulungan sa mga pulis at sinabi ang address ng pinagtitirhan ng suspek. Sa kanilang follow-up operation ay nahuli nila ang suspek na kinilalang si Jake Destacamento, sa kanyang mismong tinitirhan.

Sa pagsisiyasat ng mga pulis ay sinabi ni Destacamento na nagawa niya ang krimen sapagkat nalulong na siya sa sugal at ipinagbabawal na dr0ga. “Paulit-ulit lang po nangyayari sa akin kapag bumibiyahe po ako ng taxi, pagdating ko po diyan sa Manila napapasugal po ako tapos hindi ko rin po maiwasan para sa mga gabi siyempre nagti-take din po ako ng dru6s kaya nagawa ko po yung ganun,” paliwanag ng suspek na nasa kulungan na ngayon.

SOURCE: Youtube

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *