Babaeng Suspek sa Pagk!dnap sa Tatlong Gulang na Bata, Nagbaliw-baliwan! Siya raw ang K!nidnap

Isang balita ang kumalat sa social media ngayon umaga na kinagalit ng mga netizens. Ito ay ang pagtangkang pangingidnap ng isang babae sa isang tatlong taong gulang na bata sa Dagonoy St. Sta. Ana Manila kagabe.

Arestado

Kinahapunan, arestado ang isang babae na kinilala bilang Charito Fernandez matapos makita sa CCTV ang pangyayari. Habang iniinterview si Fernandez sa istasyon ay paiba iba naman ang mga sagot nito at hindi makasagot ng diretso.

Una ay tinanong siya ng reporter kung may kasama ba siya sa kanyang pangingidnap. Ang sabi nito ay meron ngunit nang tanungin kung sino ang sagot lamang nito ay “sila”. At nang tanungin kung may grupo sila sinabi nito na meron, at malaki raw ang ibinabayad sakanya tuwing may dala siyang bata.

Subalit bigla naman nagbago ang ihip ng hangin at biglang sinabing wala pa daw siyang kinik1dnap at sa katunayan siya pa raw ang kinidnap.

Kinidnap raw umano siya ng grupo at wala pa siyang nakik1dnap na kahit isang bata.

Check up

Sa kabilang banda, ang biktima naman ay ipapacheck up ng mga magulang niya upang masiguro na ok lang siya. Matatandaan na natangay na ng k1dnaper at nakalayo na sila ng mga limang metro mula sa gate ng bahay ng biktima bago ito nahabol at mahablot ng tatay.

Ayon sa ama ng biktima, wala naman raw itong dinadaing na masakit. Medyo tila nagkatrauma lang nung simula at nakatulala lang raw at yakap ng yakap sa mga tao.

Babala

Nagbabala naman ang pulisya sa mga magulang na ingatan ang mga anak at wag pabayaan mawala sa paningin. Noong isang taon pa umano may mga report patungkol sa mga nangunguha ng bata upang ibenta sa sindikato.

Ayon sakanila, kapag naibigay ng mga k1dnappers ang mga bata sa grupo ng sindikato, wala na sila alam sa mangyayari dito, basta magbibigay lang sila ng bata at babayaran sila.

Ito naman ang ilan sa naging komento ng mga kababayan natin.

Source: GMA News

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *