Bagong Modus! Dating Carnapper, Arestado Matapos Magpanggap Na Pari Sa Tondo!

Isang dating carnapper ang nasakote matapos magpanggap na pari na nagbabasbas sa mga bahay at santo sa Happyland, Tondo. 

Pekeng Pari 

Nakasuot pa ng abito ang nagpanggap na pari na kinilalang si Marlon Ponterez nang maaresti ito ng mga pulis. Nag-aalok aniya ito na magbasbas sa mga bahay-bahay at sa mga santo. Nataon naman na ipinagdiriwang sa Tondo ang piyesta ng Santo Bakhita kaya marami ang naengganyo sa alok nitong pagbabasbas, sa kaalaman na tunay na pari ito. 

Paghihinala Ng Mga Residente 

Nagsimula namang maghinala ang mga residente ng barangay nang mapansin ng mga ito na iniipit ng suspek ang mga pera na binayad ng mga ito sa bibliya. Ang isang bagong gawa na bahay na kinumbinsi nito na magpabendisyon ay siningil din umano ng suspek ng isang libo. 

Kakaibang Modus 

Nang maaresto ay inamin naman ni Ponterez ang kanyang modus. Mahigit isantaon na din nitong ginagawa ang modus sa iba’t ibang karatig lugar sa Laguna. Hindi din umano ito dumaan sa pagsasanay sa pagpapari. Nakalakihan lang umano nito ang paraan ng pagbebendisyon sa kanyang lolo dahil nagsilbi itong sakristan noong bata pa ito. 

Dating Carnapper

Sa ulat ng kapulisan, nakumpiska sa suspek ang isang bote ng tubig na sinasabing galing sa Bundok Banahaw na syang ginagamit nitong pangbendisyon. Nakitaan din ito ng mga tattoo ng mariju4n4 sa katawan at mga larawan ng miyembro ng Sputnik gang. Napag-alaman din nila na nakulong na ito noon sa kasong carnapping. 

Mga Kasong Kakaharapin 

Kung mapapatunayan na wala itong legal na sertipikasyon bilang isang tunay na pari ay mahaharap ito sa mga kasong estafa, usurpation of authority, at grave coercion. 

Easy Money

Kinastigo naman ng mga netizen ang nagpanggap na pari. Anila ay ito ang nagpapatunay na iba na talaga ang mga kawatan sa panahon ngayon. Hanggat kaya makagawa ng masama sa kapwa ay gagawin para sa madaling pag-ani ng pera. 

Paalala Sa Madla

Ang pari ay isang mahalagang tao sa isang pamayanan. Ito ang nagpapakalat ng magagandang salita ng Diyos at kahit kailan man ay hindi dapat ginagawang biro ang kanilang propesyon. Paalala sa balita, mariing i-check muna kung ang pari na iimbitahin ay tunay na alagad ng simbahan upang maiwasan ang maloko at ma-scam. 

Panoorin ang Video:

Ito naman ang agaw pansin na komento ng ilang Netizen tungkol dito.

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *