Baguio, Sasailalim Sa Rehabilitasyon Matapos Ang Bora, Palawan, At Bohol!

Ang Pilipinas ay binubuo ng napakaraming magagandang lugar at mga karagatan na syang naging sentri ng turismo sa bansa. Sa bawat tao ay daan libong turista ang dumarayo sa ating bansa upang masaksihan ang ganda ng Pilipinas.

Rehabilitasyon Sa Mga Tourist Spot

Sa panahon ng pangulong Rodrigo Duterte ay naisakatuparan ang kinakailangang rehabilitasyon ng Boracay. Hindi ito naging madali para sa gobyerno upang maisakatuparan bunsod ng mga hindi sumasang-ayon sa panukala. Ngunit makalipas ang higit anim na buwan ay kamakailan lang ay nagbukas ang Boracay at kitang-kita ang tunay nitong ganda.

Rehabilitasyon Ng Baguio

Sa pagtatapos ng Boracay ay sinimulan naman na irehabilitate ang Palawan. Nagplaplano na din ang gobyerno ng rehabilitasyon para sa Bohol at isusunod na din ang Baguio. Ang Baguio ang isa sa mga dinarayo sa parte ng Norte. Hindi lamang dahil sa napakagandang tanawin dito kundi ang napakalamig na klima na madalang maramdaman sa Maynila.

Mga Problema Na Dapat Masolusyunan

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources, sasaillim ang Baguio sa rehabilitasyon dahil sa lumalalang trapiko at geo-hazard concerns sa lugar. Sa isang panayam kay DENR Undersecretary Benny Antiporda,

“Meron pong study na 70 percent ng lugar diyan sa Baguio po, sa Benguet, ay geo-hazard kung kaya’t immediately iyan ang bibigyan natin ng concern at hindi na po natin hahayaan mangyari ulti ‘yung dating nangyari, iyong Hyatt tragedy.”

Ang Hyatt Tragedy ay nangyari noong 1990 na kung sana ay ginimbal ng isang 7.7 magnitude na lindol ang Baguio na kumitil sa napakaraming tao.

Polusyon At Malalang Trapiko

Isa rin sa tinitingnang problema ng ahensya ay ang trapiko sa nasabing lugar partikular na tuwing holidays. Dagdag pa aniya ay nais tutukan ng ahensya ang polusyon sa lugar na kung saan ay hindi na nadadama at naaamoy ang sinasabing “pine smell” na kung saan ay nakilala ang Baguio.

Pinagplaplanuhan naman ng gobyerno na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Baguio upang maisakatuparan ang posibilidad ng paggamit ng mga electronic vehicles upang maiwasan ang paglala ng polusyon sa lugar. Mensahe ni Antiporda,

“Habang may tiwala ang tao, gagawin natin lahat para po ang tao mismo ay magising at magkaroon ng awareness.”

Baguio City naman ang susunod na isasailalim sa rehabilitasyon matapos ang Boracay, Palawan, at Bohol, ayon sa DENR.

Posted by GMA News on Sunday, December 9, 2018

Ito naman ang masayang naging komento ng ilang kababayan natin.

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *