Bash Ang Inabot Ng Babaeng MMDA Na Nanlait Ng Driver Na Hinuhuli

Nagviral ang video ng isang motorista sa isang MMDA Enforcer na babae na umano’y pinaglalait siya at tinawag na panget ng makailan beses. Kahit vinivideo na niya itong enforcer, sige parin ang babae, at nagvivideo din ng kaniyang bersyon mula sa cellphone niya.

Viral Video

Sa ulat ng News 5 kitang kita kung paano laitin ng enforcer na nakilalang si Vergara ang isang driver at ilan beses tinawag na panget at panget ugali.

“Ang panget na nga ng mukha mo panget pa ugali mo.”

Hindi na magkaintindihan ang dalawang nagaaway dahil umano sa sunod sunod na lit na binabato ni Vergara. Habang nanlalait ay nagvivideo din ito at vinivideohan ang driver na hinuhuli nila.

Yung driver naman, sinasabi kay Vergara na magviviral daw ito dahil kinukuhanan niya ang panlalait nito sakanya. Ididiretso niya daw umano sa MMDA sa opisina ng enforcer ang video upang malaman nila ang ginawa ng tauhan nila.

Putol nga ba?

Ngunit imbes na sa opisina idiretso ay mukhang sa Facebook ipinost ni Albert Bugarin ang video. Dahilan upang ito ay magviral at umabot mismo sa new outlets.

Isang bagay na napansin ng mga netizens ay putol ang video. Mukha daw na pinutol ito ng driver at sinimulan sa bandang nagaaway na sila. Sabi ng karamihan, hindi naman daw magagalit ng ganyan ang enoforcer ng wala naman ginagawa ang driver sakanya.

Tamang ugali

Subalit para naman sa ibang netizens, kahit ano pa man ang ginawa ng driver, kahit na ba putol ang video o hindi, malinaw na paglabag sa conduct code ng public servants ang inasal ng babaeng enforcer na nakaaway nito.

Dahil siya daw ang nakauniporme, dapat siya daw ang umintindi at naging mas mabait sa ganitong klaseng engkwentro. Saad pa ng iba, napakadali na umalis nalang sana siya at ipinaubaya sa mga kasama niya ang paghuli sa driver. Kaysa ang mukha niya ay nabalandra pa sa social media.

WATCH | Viral ang babaeng MMDA enforcer matapos laitin ang isang motorista na maghahatid lang sana sa terminal ng bus sa…

Posted by News5 on Friday, December 14, 2018

Ito naman ang naging reaksyon ng mga kababayan sa video post na ito.

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *