Basurang Itinapon Ng Pasahero Ng Van, Isinauli Sakanya Ng Isang Dayuhan

Isang dayuhan ang namahiya sa isang Pilipino ngunit ito pa ay pinapakpakan at hinangaan ng mga netizens.

Kalat

Isang video ng isang siklista ang pinost sa Facebook kung saan hinabol niya ang isang van at kinatok ang taong nakaupo sa passenger’s seat nito.

Pag bukas ng bintana binalik nng dayuhan ang kalat na itinapon ng pasahero at sinabing hindi basurahan ang kalye, wag daw magtapon doon.

“This is not a bin. Don’t throw that out. Don’t do it”

Balik sayo

May kasabihan na ang basurang itinapon mo ay babalik sayo. Ito ay tila nagkatotoo para sa pasahero ng van na naglalakbay sa Makati-Mandaluyong ng maaktuhan siyang magtapon ng basura sa kalye.

Ang dayuhang si Frank Schuengel naman ay saktong naroon sa kalsada din nang itinapon ang basura. Pinulot niya ang basura at ipinakita pa sa camera niya. Tsaka hinabol at pilit sumingit sa gilid ng van na nagtapon.

Sermon

Kinatok niya ang bintana at ng pinagbuksan, doon niya na sinabi na hindi dapat nagtatapo ng basura sa kalsada dahil hindi naman ito basurahan.

Nakakahiya na isa pa talagang dayuhan ang nagpakita ng tamang gawain, at isang pinoy pa ang naaktuhan na nagtapon at nagkalat mismo sa sarili nitong bansa.

Pulso ng netizens

Inulan ng batikos ang pasahero ng van sa mga comments kasabay ng paghanga nila sa ginawa ng dayuhan. Sa katunayan naibalita pa ito sa GMA Balitambayan kung saan mas maraming nakakita.

Ang mga netizens ay nagpahatid ng pagpapasalamat sa dayuhan dahil sa pagmamalasakit na ipinamalas niya sa kapaligiran. Sabay naman ang pagbatikos ng mga ito sa nagtapon ng basura. Sana daw ay itinabi muna sa loob ng sasaknyan ang basura at itinapon kapag nakarating na sa pupuntahan.

Simpleng akto na ganito lang ay malaking bagay na sa kapaligiran. Sana lahat ay magisip muna bago magtapon ng basura kung saan saan.

Pasaherong nagtapon ng basura, sinita ng isang dayuhang siklista | YouScoop

“This is not a bin. Don’t throw that out. Don’t do it.”Hinabol at sinita ng isang dayuhang siklista ang pasahero ng isang van matapos umanong maaktuhang nagtapon ng basura. Kuwento ni Frank Schuengel, nasa may Makati-Mandaluyong bridge siya nang kaniyang masaksihan ang pagtapon ng basura mula sa van. Agad niyang hinabol ang van para ibalik sa pasahero ang basura. Mensahe niya “We all should look after the world we live in.”

Posted by GMA News on Friday, April 12, 2019

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *