Ben Tulfo, May Banat Sa Nanay ng Ateneo Bu££y Kid Matapos ang Public Apology Nito: “Anak ka ng tipaklong”

Muling nabuhay ang isyu ng bu££y kid na mula sa Ateneo matapos ang interbyu ng GMA reporter na si Arnold Clavio sa ina nito at sa nasabing grade nine student. Ang mag-ina ay nanghingi ng paumanhin sa biktima sa nasabing viral video at sa Ateneo High School na syang higit na nakaladkad sa isyu. Ganunpaman, nanghingi ang ina ng akusadong bu££y kid ng pag-intindi mula sa publiko dahil bata pa diumano ang anak nito. Ang video ng eksklusibong bidyo ay nagtamo ng maraming pambabatikos mula sa mga netizen. Maging si Ben Tulfo ay nagbigay ng kanyang opinyon.

Banat Ni Ben Tulfo

Hindi nakalagpas sa atensyon ng mambabalita na si Ben Tulfo ang nasabing interbyu ni Arnold Clavio sa mag-inang Montes. Sa programa nitong BITAG Live!, sinita ni Tulfo ang mga pahayag ng mag-ina ukol sa isyu. Maging ang tahasang paggamit ng ina ng bu££y kid sa pagiging menor de edad ng anak nito.

Ayon dito,

“Sabi ng nanay, hindi daw sapat ‘yung masakit, or talagang gibang-giba, o devastated, kasi yung pangarap ng isang magulang sa anak ay pinutol ng Ateneo. Anak ka ng tipaklong ikaw na nanay ka rin. Doon mo makikita kung anong klaseng magulang.”

Kung Ano Ang Puno, Sya Ang Bunga

Isang matalinghagang pagpuna naman ang ipinaliwanag ng Bitag anchor,

“Ang may problema ay ‘yung magulang. Kung ano ang puno, siya ang bunga. At kung ang puno ay may deperensiya, sa dahon palang makikita mo kahit wala pang bunga.”

Banat Kay Arnold Clavio

Hindi rin naman nakatakas sa paningin ng beteranong reporter si Arnold Clavio at ang paraan ng pag-iinterbyu nito sa mag-ina, partikular na mismo sa bata. Tila diumano mali ang pagtatanong nito sa bu££y kid kung ito ba ay nagsisisi sa nagawa nito. Isang “a-ha!” lamang ang isinagot nito sa reporter. Kapansin-pansin para rito na tila ba ay nautakan ng Atenean bu££y ang batikang tagapag-ulat ng GMA.

Scripted Na Pag-uulat

Matapos ang pagbuhay sa isyu, matapos ang ilang linggong pananahimik nito ay iisa lamang ang naging opinyon ng mga netizen. Para sa karamihan ay tila isang scripted interview ang nangyari. Sa paglabas ng mag-ina para sa isinagawang public apology ay walang katiting na pagsuporta pa din ang natanggap nito mula sa mga netizen. Kapansin-pansin sa karamihan na hindi sinsero ang paghingi nito ng paumanhin. Naging kwestyonable din para sa mga ito ang pagblu-blur ng mga mukha ng mga ito.

Ito naman ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin.

Source: Youtube

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *