Ben Tulfo sa Pagtanggal ng Security Details Nilang Magkakapatid, “May Bayag Kami”

Sa umiinit pang isyu tungkol sa pagkakatanggal ng mga security details ng Tulfo brothers na nag-ugat mula sa pambabatikos ni Erwin Tulfo kay DSWD secretary Joselito Bautista, ay naglabas na rin ng sariling pahayag ang nakatatandang kapatid at Bitag host na si Ben Tulfo.

Hindi Bahag Ang Buntot Namin!

Sa kanyang programang Bitag ay nagpahayag na rin ng kanyang saloobin si Ben Tulfo tungkol sa isyu ng pagkakatanggal ng mga security details nilang magkakapatid. Taliwas sa mga pahayag ni idol Raffy Tulfo na nagpapakumbaba, matapang na sinagot ni Ben Tulfo ang mga isyu at inilabas ang kanyang opinyon dito.

Sinabi ng nakatatandang Tulfo na hindi sila matitinag kung mawalan man sila ng mga security escorts dahil ni minsan ay hindi nabahag ang kanilang mga buntot. Hindi sila luluhod sa mga otoridad upang ibalik ang kanilang mga escorts dahil kaya nilang proteksyunan ang kanilang mga sarili.

Kwentong Bitag

Ikinwento rin ni Tulfo na nuong panahon daw ni pangulong Arroyo ay tinanggalan din siya ng security escorts ngunit hindi siya natinag. Nuong mga panahon daw na iyon ay matapang na kinakalaban ng Bitag ang mga sindikato tulad ng payroll robbery, at tinanggalan sila ng security details dahil may koneksyon pala diumano ang sindikato sa itaas.

Dahil daw dito ay napilitan siyang kumuha ng mga ex- military at reservists upang magsilbing security niya. Bumili siya ng mga rehistradong armas upang protektahan ang kaniyang sarili. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya natatakot mawalan ng security details kung iyon man ang gusto ng kapulisan.

Kasalanan Ng Isa, Kasalanan Ng Lahat

Inilabas niya rin ang kaanyang saloobin tungkol sa pagkakadamay nilang magkakapatid sa kamalian ng isa sa kanila. Bagama’t nakausap niya na ang nakababatang kapatid na si Erwin, at ito ay kanyang pinayuhan at ginabayan sa dapat gawin tungkol sa nangyari.

Sinabi rin ni Ben Tulfo, na bagamat sila ay magkakapatid, mayroon silang iba’t ibang karakter ngunit ang nagiging masama ay ang kasalanan ng isa ay nagiging kasalanan na ng lahat.

SOURCE: Youtube

Comments

comments

1 thought on “Ben Tulfo sa Pagtanggal ng Security Details Nilang Magkakapatid, “May Bayag Kami”

  1. Tama ka rin sir ben, hindi dapat ganon, kung my tinanggalan man ang nagkamali lang, my mali din tong mga pulis bara bara ang desisyon, isang pagkakamali at dinagdagan din nila ng maraming mali.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *