Binata, Halos Maglupasay sa Iyak Nang Magpaalam ang Nililigawan

Trending ang video ng isang lalaki na halos maglupasay sa iyak nang magpaalam ang babaeng nililigawan nito. 

True Love

Sa video na inupload ng netizen na si Dexfol Jay Olmedo, makikita ang isang babae at lalaki na nagdradramahan. Ang lalaki ay pumapalahaw sa iyak habang nagpapaalam ang dalagang kausap nito na mag-aaral na umano sa Maynila at huling araw na umano ng pagkikita nila. Dagdag pa nito, sinasabi ng dalaga na dapat mag-move on na ang lalaki at deserve nito ang isang matinong babae. Hindi na daw umano siya birhen at napunta na ito sa iba’t ibang lalaki. Hirit ni ate girl, gwapo ang binata, maputi, at mas deserving sa iba pang babae. 

Break-up 

Mariringgan naman ang lalaki na tinatawag na “yawa” ang lalaking kasama nila na tila nang-aasar. Kitang-kita sa lalaki na sobrang mahal nya ang dalagang kausap at iniiyakan pa nito ang pagpapaalam nito. Binubuyo naman ng kanilang mga kasama ang lalaki na yakapin at halikan ang dalaga na noon ay umalis na dahil anila ay tutulak na ito pa-Maynila. Makikita na bumalik ang babae at nagyakapan sila ng lalaking manliligaw nito bilang pamamaalam sa isa’t isa. 

Nakakaantig 

Maraming netizen naman ang naantig sa nasabing video. Ngunit hirit ng mga ito, bata pa sila at marami pang pagdaraanan sa buhay. May mga makikilala pa sila sa tanan ng buhay nila. Napansin naman ng ibang netizen na may bisyo ang lalaki at mga kasama nito. Anila ay masyado pang bata ang paninigarilyo. 

Puppy Love 

Puppy love ang tawag sa feeling ng isang taong inlove sa murang edad. Isa ito sa mga magagandang eksperiyensiya ng isang tao na kung saan mas madalas naiinspire ang mga kabataan sa kanilang mga “crush” o hinahangaang tao. 

Self-love

Bagaman, maaring hindi o pwede rin namang maging permanente ang mga ganitong feelings para sa mga kabataan. Ganunpaman, paalala ng mga matatanda, hinay hinay sa pag-ibig at huwag ibuhos ang lahat ng atensyon at pagmamahal sa iisang tao lamang. Bagkus ay mas bigyan ng atensyon ang pag-aaral, pangarap, pamilya, mga kaibigan, at lalo na ang sarili upang hindi lubos na masaktan sa oras na mafall out. 

Ing ani ang seryuso nga laki 😊

Posted by Dexfol Jay Olmedo on Wednesday, April 10, 2019

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *