Binata, Nabudol ng Facebook Girlfriend Nya, Alahas ng Nanay Natangay!

Isang 20 taong gulang na lalaki ang dumulog sa tanggapan ni idol Raffy Tulfo ng programang Aksyon Sa Tanghali upang ihingi ng tulong ukol sa panlolokong ginawa sa kanya ng kanyang Facebook girlfriend. Ang uto utong lalaki ay nagbigay ng P3,000 piso, isang cellphone, at ang mga alahas ng kanyang ina na kinuha niya ng walang permiso.

Nabudol

Bagama’t marami ang nagbababala tungkol sa mga modus at scam sa Facebook kung saan nagpapanggap na magandang dalaga ang isang tao at paglaon ay hihingan ng pera ang binibiktima ay marami pa ring naloloko sa ganitong modus operandi.

Isa na nga dito si John Reynaldo Mano na pumunta sa tanggapan ni Raffy Tulfo matapos siyang mabudol ng kanyang “nobya” sa Facebook. Si John ay dumulog kasama ang ina na nawalan ng sari saring alahas mataposc itong kunin ng anak at ibigay sa sinasabing”nobya”.

Magkarelasyon Sa FB

Ayon kay John, 2 buwan din niyang niligawan ang kanyang nobyang si Nicole Cruz sa Facebook bago niya tuluyang napasagot ito. Bagamat hindi pa sila nagkikita, ay humingi ito ng 3,000 para sa isang outing na gaganapin. Ang perang ito raw ay gagamiting pamasahe ni John para makadalo sa outing.

Ng hindi umano natuloy ang outing, sinabi ni “Nicole na kulang ang perang ibinayad at kailangan niya pang magdagdag. Ng walang pera makuha si John ay ibinigay n lamang niya ang kanyang cellphone upang isanla ito. Inutusan siya ni Nicole na ibigay ang phone sa pinsang niyang si Hygiena Grace Presquito.

Alahas Ng Ina

Matapos nun ay tumawag na naman si Nicole, at nanghihiram ng pera dahil ooperahan daw ang ina nito. Inutusan siyang kumuha ng alahas mula sa ina at ipinangakong ibabalik din agad. Bunga marahil ng pagmamahal at kagustuhang tumulong sa nobya ay sinunod ito ni John.

Nang dumating ang oras na dapat ibalik ang alahas ay hindi naisauli ng “nobya” ang mga ito, bagkus nakatikim pa ng suntok si John mula sa di nakilalang mga lalaki. Dito na naisip ni John na sabihin sa ina ang nangyari at dumulog kay Raffy Tulfo.

Ang halaga ng mga alahas ay aabot sa P500,000. Ang hinala ni idol Raffy ay si Nicole Cruz at ang babaing kumukuha ng alahas na si Hygiena Presquito ay iisa lamang, at gumamit lamang ng ibang larawan upang maakit si John dito. Ngayon ay binibigyan ng pagkakataon ni Raffy Tulfo na magbigay ng pahayag ang 2 babae para malinis ang kanilang pangalan.

SOURCE: Youtube

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *