Bobby Eusebio, Hindi Tanggap Ang Pagkatalo Bilang Pasig Mayor

Kahapon ay naiproklama na ang bagong mayor ng Pasig na si Vico Sotto. Sa pagkapanalo ni Vico ay napatid na ang matagal nang panunungkulan ni Bobby Eusebio na sa loob ng ilang dekada.

Hindi Tanggap 

Bagaman natapos na ang bilangan ay nagpahayag ng hindi pagtanggap sa pagkatalo ang dating mayor at iginiit na may dayaan umano na naganap sa partido ni Sotto. Ayon sa kanya, siya ang tunay na panalo sa botohan. Aniya, ang pagkapanalo ni Vico ay bunsod ng election fraud sa hanay nito.

Pahayag nito, 

“Hindi ko tinatanggap ang resulta dahil alam ng tao kung sino ang nanalo.” 

Dagdag pa ni Eusebio, 

“Alam ng tao rin kung sino ang ibinoto nila, at ito mapapatunayan natin sa pamamagitan din ng pina-file namin na election fraud.” 

Video Sa Youtube

Kumakalat din sa social media ang video sa Youtube ni Bobby Eusebio na nagsasabing may mga ebidensya ito ng pandaraya ng kalaban na kampo at isusumite ito sa COMELEC upang mabigyan ng atensyon at maimbestigahan. Ang mga supporter rin nito ay nagpahayag ng kanilang saloobin sa naganap na resulta ng botohan. Dagdag pa riyan, isang supporter ang nagsasabi na kagagawan umano ito ng pangulong Duterte dahil nagbanta umano ito noon na hindi pananalunin si Eusebio kaya naman iginigiit na may manipulasyon na naganap sa bilangan. 

Iba Naman

Nagpahayag naman ng samu’t saring komento ang mga netizen dahil sa pahayag ng hindi pagtanggap sa pagkatalo ni Eusebio.

Anila ay sapat na at sobra pa ang 27 taon na panunungkulan nito sa Pasig. Nagpapasalat ang mga ito sa naging serbisyo nito sa nagdaang dalawang dekada ngunit panahon na umano para tumigil na ito at magbigay daan para sa ibang nais manungkulan. 

Ang pagkakapanalo umano ni Vico laban kay Bobby ay isang senyales na nais na ng mga taga-Pasig ng pagbabago sa kanilang nasasakupan. 

Vico Sotto 

Si Vico Sotto ay anak ng komedyante at aktor na si Vic Sotto kay Coney Reyes. Ang 29 na taong gulang bagong mayor ng Pasig ay aktibo sa politika noon pa man. Sa katunayan ay ito ay nanungkulan na din bilang Konsehal sa nasabing syudad. 

Nagpabatid naman ng pagbati kay Vico sina Oyo at Danica na mga anak din ni Vic Sotto kay Dina Bonnevie. 

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *