‘Buwan’ Parody Ni Michael V, Viral Sa Social Media

Matapos ang “Bubble Gang Parody” sa hit song na “Oo” ng Up Dharma Down, may bagong pampa-good vibes na MTV si Michael V para sa mga miyembro ng LGBT community.

Ang “Naman” ay mula sa sikat na awiting ‘Buwan’ ni JK Labajo. Panoorin.

Buwan Parody 

Isang parody ng kantang “Buwan” ni JK Labajo ang inilabas ni Michael V sa kanyang comedy show tuwing Biyernes, ang Bubble Gang. At walang dudang naging hit na naman ang kanyang ‘Buwan’ parody na pinamagatang “Naman” sa ilalim ng pangalang JK Langpo. 

Matapos ang vira parody ng Bubble Gang sa kantang “Oo” ng bandang UP Dharma Down, may pinagkaguluhan na naman ang mga netizens sa bagong parody ni Michael V. Ang kanta ay patungkol sa mga nasa LGBT community. Hindi lamang ang nakakatuwang mensahe at lyrics nito ang nag-viral bagkus ay epektibong paggaya ni Michael sa orihinal na singer ng kanta. 

Libo-libong reactions, shares, and comments ang nakuha ng video social media. 

Henyo Sa Larangan Ng Entertainment 

Kinabiliban ng netizens si Michael V. Anila ay isa itong henyo dahil sa hindi lamang ito magaling sa larangan ng pagpapatawa. Magaling din ito gumawa ng lyrics na syang katutuwaan at tatangkilikin ng mga tao. Isa si Michael V sa mga dapat ipagmalaki ng ating bansa dahil sa angking galing nito sa larangan ng musika at entertainment.

Michael V, Bitoy 

Si Beethoven del Valle Bunagan o kilala din sa pangalang Bitoy at Michael V ay isang Filipino comedian, composer, singer, vlogger, voice artist, at impersonator. Siya ang tinaguriang “King of Philippine Parody” na mainstay sa GMA 7. 

Ilang dekada nang nagsisilbi at nag-aambag ng kanyang talento si Michael V sa industriya ng showbiz. Nagsimula ito sa entertainment industry noong 1990 at hanggang ngayon ay aktibo pa. Ang matagal na pag-ere ng show nito na Bubble Gang ay isang patunay na matatag ito sa industriya. Maliban sa Bubble Gang ay umeere din ito sa show na Pepito Manaloto na lumalabas sa GMA 7 tuwing Linggo. 

Kasamang sumikat nito sa Bubble Gang at Pepito Manaloto ang maraming artista tulad nina Ara Mina, Wendell Ramos, Ogie Alcasid, Manilyn Reynes, Paolo Contis, Nova Villa, at iba pa. 

SOURCE: Youtube

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *