Byaheng Impyern0: Jeepney Driver na Harabas Magmaneho, Nagviral!

Isa sa mga viral videos na kumakalat ngayon sa social media ay ang pagkuha sa isang barumbad0ng driver na grabe kabilis kung magpatakbo ng kanyang jeep. Nagmamakaawa na ang mga pasaherong bumaba ngunit tila bingi ito at patuloy ang pagmaneho ng mabilis. Tila nasa impluwensya ng dr0ga ang jeepney driver na ito.

Mandadamay Ka Pa

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na karamihan sa ating mga jeepney drivers ay barubal kung magmaneho. Sila ang tinatawag na hari ng kalsada at madalas ay nababatikos dahil sa kanilang kawalan ng modo sa mga batas trapiko at sa kapwa motorista. Mayroon namang mga jeepney drivers na maayos magmaneho, ngunit higit na marami ang mga walang modong drivers.

Sa isang video na ibinahagi ng Philippines CCTV & Dash Cams sa Facebook, isang jeepney driver ang tila sab0g sa ipinagbabawal ng dr0ga ang nilagay sa panganib ang buhay ng kanyang mga pasahero. Mabilis at walang habas siyang nagmaneho at hindi niya alintana ang mga pakusap ng mga pasahero.

Byaheng Impiyerno

Makikita at maririnig sa video ang kahayup4ng ginawa ng jeepney driver sa kabila ng mga pakiusap ng mga pasahero. Nagmamakaawa na ang karamihan sa kanila, samantalang ang isa naman ay galit na galit at sinasabing idedemanda niya ang driver. Maging ang mga lalaking pasahero ay di nakagalaw sa takot na madisgrasya sila.

Bagama’t hindi natin alam ang puno’t dulo ng kwento kung bakit ginawa ng jeepney driver ang gayon, walang sapat na dahilan para kanyang ilagay sa peligro ang buhay ng kanyang pasahero. Kung siya man ay sawa na sa kanyang buhay, ay hindi niya dapat idamay ang ibang tao.

Tukhangin Na Yan!

Nagpupuyos ng galit ang mga netizen dahil sa nangyari. Marami ang gustong mahuli na ang driver at tanggalan ng lisensya at karapatang makapagdrive ulit ng jeep. Kaisa ang mga netizens na sana ay maparusahan ang driver sa kanyang ginawa.

Marami ang nagmumungkahi na dapat ay ibalik ang drug testing sa pagkuha ng lisensya at siguruhing may sapat na seminar ang mga jeepney drivers sa mga batas trapiko, at malaman ang kanilang responsibilidad sa kanilang mga pasahero.

BIYAHENG IMPYERNO SI JEEPNEY DRIVER DADAMAY PA KAMI!Bat ganyan ka mag patakbo manong!? Tamang speed, mukhang naka higopPLATE No. DWJ426Courtesy: Lois Miranda 📹

Posted by Philippines CCTV & DASH CAM Spotted on Wednesday, March 20, 2019

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *