Calvin “The Beast” Abueva At Import Ng TNT, Muntik Ng Magpang-abot

Naging mainit ang labanan kahapon sa Commissioner’s Cup ng PBA sa pagitan ng koponang Phoenix Fuelmasters at Talk N’ Text Tropang Texters. Bagamat natambakan ng TNT ang Phoenix at malaki ang lamang, hindi ito nagkulang sa makukulay na eksena, katulad na lamang ng away nina Calvin Abueva at ang import ng TNT na si Terrence Jones.

Mainit Na Laban

Sa simula pa lamang ng laro ay mainit na ang labanan sa pagitan ng dalawang koponan. Sa katunayan, hindi pa man natatapos ang 1st quarter ay nagkaroon na ng komosyon kung saan natanggal sa laro ang magkapatid na si Anthony at David Semerad ng TNT, Jason Perkins at coach Louie Alas ng Phoenix.

Dahil sa pagkakatanggal ng head coach na si Louie Alas ng Phoenix ay naka-alagwa ang TNT at nagkaroon ng malaking lamang. Hindi naman nakitaan ng pagsuko ang Phoenix at pilit na humahabol, kung kaya’t lalong naging pisikal ang tema ng laro.

The Beast

Ilang beses nagkaroon ng komosyon sa pagitan ni Abueva at Jones dahil sila ang nagbabantayan. Bago pa man mangyari ang ginawang “clotheline” foul ni Abueva kay Jones, ay may insidenteng bumagsak si Abueva dahil sa diumano’y sadyang paghampas ni Jones sa kanyang “groin” area. Makikita pang sumasayaw si Jones matapos ang insidenteng iyon.

Sa sumunod na play ay nagkaroon ng agawan sa rebound, at ito ay nakuha ni Jones. Dito biglang lumapit si Abueva at hinampas si Jones sa bandang leeg na ikinatumba ng import. Muntik ng magpang-abot ang dalawa kung hindi lamang naawat ng mga referee at security, pati na ang mga teammates nila.

Reputasyon Ni Abueva

Dahil sa ginawa ay tinawagan ng flagrant foul 2 si Abueva, kung saan tanggal siya sa laro, at malamang ay nahaharap sa suspensyon sa susunod na laro. Bukod dito ay mayroon ding ipapataw na fine sa tinaguriang The Beast ng PBA.

Hindi na kataka-taka para kay Abueva ito dahil mayroon siyang reputasyon bilang “bad boy” ng liga. Kamakailan ay napatawan siya ng P20,000 na penalty dahil sa pagpatol nito sa isang fan na si Maika Rivera, na siya palang girlfriend ng Blackwater player na si Bobby Ray Parks, Jr.

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *