Cellphone Ni Richard Santillan, Nawawala At Hindi Kabilang Sa Mga Isinurrender Ng Cainta Police, Nasaan Nga Ba Ito?

Tuloy ang laban para kay Atty. Glenn Chong upang mahanap nito ang hustisya para sa pagkamat4y ng kanyang kaibigan at bodyguard na si Richard Santillan. Maraming anggulo ang tinututukan at maraming nahanap na butas mula sa report na isinumite ng mga pulis. At lahat ng ito ay inihahayag ng dating Kongresista ng Naga upang malaman ng mga taumbayan kung ano tunay na kinahihinatnan ng kaso. Ang kaso ni Santillan ay isang malinaw na kaso ng EJK para sa maraming tao.

“Ceasefire muna” – PNP

Ayon sa post ni Glenn Chong, ceasefire daw muna ukol sa PNP. Tila puno pa din ng galit at panghihinayang na isinambulat ni Chong ang kanyang pagkagustong mabigyan ng hustisya ang kanyang na-ambush na aide. Para sa bagong update, ibinahagi ni Atty. Glenn na kamakailan lang ay sinamahan nito ang maybahay ni Santillan sa Cainta police upang kuhain ang mga gamit nito mula sa pinangyarihan ng insidente.

Saad nito,

“Gusto kong ipahiwatig sa mga salaring pulis at liderato ng kapulisan na hindi ako titigil hangga’t hindi managot ang mga taong kumidn4p, tum0rtur3, pum4sl4ng, at nag-set up sakanya.”

Nawawalang Mahalagang Ebidensya

Ang election fraud whistleblower ang personal na nag-inspeksyon ng mga gamit na ibinalik ng PNP kahit pa man amoy dug0 ito at mabaho na. Napagtanto ni Chong na nawawala ang telepono ni Santillan base sa dokumento na ibinigay ng SOCO team sa imbestigador na pulis sa naturang kaso. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ito ay may telepono kaya naman nang hagilapin ito ay wala ito sa listahan. Dagdag pa aniya ni Chong, ito ang kaisa-isang bagay na nawawala sa kagamitan ni Santillan.

Sinabi din ng abogado na ayaw ibigay ng kapulisan ang telepono dahil binantaan nya umano ang mga ito na ipapa-forensic examination nya ang mga ito sa ibang bansa. Tila nga ba ay natakot ang mga salarin.

Bakit Tahimik Si Albayalde?

Para sa mga netizen, kapansin-pansin naman ang pagiging tahimik ni Albayalde ukol sa kaso. Kung noon ay diumano mabilis itong magpa-presscon, ngayon naman ay tila wala itong kahit isang salita na nag-uugnay sa pagkam4t4y ng empleyado ni Atty. Chong.

Maraming netizen ang nagpahatid ng kanilang sariling opinyon kung ano nga ba ang rason sa likod ng pag-amBÚsh kay Santillan at sa pagiging tahimik ni Albayalde.

Ang Post ni Atty. Chong

“CELLPHONE NI RICHARD SANTILLAN

ITINAGO NG MGA PUMATAY SA KANYA

Ceasefire daw muna, sabi ng PNP. PUNYETA! Hindi ako titigil sa pagpapalabas ng katotohanan sa ginawa ninyo kay Richard Santillan.

Sinamahan ko kahapon ang misis ni Richard Santillan sa Cainta Police Station upang kunin ang kanyang mga gamit na nakuha ng kapulisan mula sa sasakyang tinambangan nila.

Gusto kong ipahiwatig sa mga salaring pulis at sa liderato ng kapulisan na hindi ako titigil hangga’t hindi managot ang mga taong kumidnap, tumorture, pumaslang at nagsetup sa kanya.

Ako mismo ang nag-inspection sa bawat bagay o item na isinauli ng kapulisan sa amin. Kahit pa mabaho na at may dugo pa, hindi ko ito pinansin.

Nawala ang cellphone ni Richard Santillan. Base sa documentong ibinigay ng SOCO team sa police investigating officer, walang cellphone nakalista dito. Alam namin lahat na may dalang cellphone si Richard Santillan ng gabing pinaslang siya ng kapulisan. Ito lang ang tanging bagay o item na nawawala.

Ayaw ibigay ng kapulisan dahil binantaan ko na sila na ipapa-forensic examination ko ito sa ibang bansa. Natakot ang mga salarin.

Ito ba ang sinasabi nilang “legitimate operation?””

CELLPHONE NI RICHARD SANTILLANITINAGO NG MGA PUMATAY SA KANYACeasefire daw muna, sabi ng PNP. PUNYETA! Hindi ako…

Posted by Glenn Chong on Saturday, December 15, 2018

Ito naman ang ilan sa naging komento ng mga kababayan natin.

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *