Chinese na Amo Iniyakan ang Pag-uwi ng Kanilang Pinay Maid

Sa panahong puno ang balita tungkol sa mga pagmamaltrato ng amo sa mga OFW workers, napakasarap pakinggan na may mga amo ring lubos ang pagmamahal sa kanilang Pinay Domestic Helper. Isang eksena sa airport ang siyang patunay kung paanong ang isang Pinay maid ay napamahal na ng sobra sa alaga nito at maging sa kanyang amo.

Galing Ng Pinay DH

Hindi na lingid sa kaalaman ng mga banyaga ang galing at disiplina ng mga Pinay domestic helpers. Madalas ay napapamahal sila sa kanilang alagang bata at nagkakaroon ng magandang relasyon sa kanilang mga amo. Itinuturing nilang parang sariling anak ang kanilang mga alaga, kung kaya naman mahal din sila ng kanilang mga inaalagaan.

Sa isang viral na video na ibinahagi ng Chinese page na Kuching Talk sa Facebook, isang madamdaming tagpo ang naganap sa isang Chinese airport kung saan umiiyak ang isang bata at ang kanyang ina na pawang mga Chinese. Ang dahilan ng kanilang pag-iyak ay ang pag-uwi ng kanilang minamahal na Pinay maid.

Madamdaming Tagpo

Sa nasabing video, makikitang nagpapaalam ang isang Pinay DH sa kanyang alagang bata. Iyak ito ng iyak at tila ayaw nitong umalis siya. Maging ang kanyang amo ay lumuluha habang kinakausap siya. Hindi naglaon ay bumigay na rin ang Pinay DH at umiyak na rin habang kinakausap ang amo at ang kanyang alaga.

Mararamdaman ang pagmamahal ng Pinay DH sa kanyang alaga. Pinupunasan nito ang luha ng bata at tila nadudurog ang puso nito na makitang umiiyak ang alaga niya. Maging ang bata ay kakikitaan ng pagmamahal sa kanyang yaya, at pinipilit niyang tanggapin ang pag-alis ng yaya, maski masakit ito para sa kanya.

Good Vibes Ang Netizens

Ang nasabing video ay nagviral at umabos ng halos 1M views. Hindi lang mga Pinoy ang mga naglabas ng kanilang saloobin kundi pati mga banyaga. Marami ang natuwa sa nasabing video sapagkat larawan ito ng pagmamahal ng mga amo sa kanilang empleyado, na bihira nating mabalitaan sa ngayon.

“Very close bond with the maid. Good to know the employer treats their maid like family member when some mistreat theirs.” Sabi ng isang netizen. Samantala, ang isang netizen naman ay hindi napigilan ang mapaluha.”Very great bonding the child and maid. Very touch, cry watching them said “Good Bye” can see the employee and employers all living well together.”

内有洋葱,kakak要回kampung了,她照顾几年的小女孩舍不得她走,现场一片哭声,小编也哭惨了啦😭😭😭

Posted by 古晋大小事 Kuching Talk on Monday, February 4, 2019

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *