Chinese Na Nanaboy Ng Taho, Humingi Ng Tawad At Ng “Second Chance”, Bad Mood Lang Daw Siya

Ang babaeng nanaboy ng taho sa isang pulis na kinilala bilang si Jiale Zhang ay nagbigay ng kanyang pahayag ukol sa kanyang pagsisisi at paghingi ng tawad habang nakapiit. Ayon sakanya, masama lang daw talaga ang mood niya kaya hindi niya nacontrol ang emosyon niya.

Walang Respeto

Nitong Sabado lang nagviral si Zhang ng magsaboy ng taho sa isang officer na nagpatigil sakanya habang papasok siya sa isang stasyon ng MRT3.

Sa bagong panukala kasi ng rail system, ipinagbabawal na ang kahit anong “liquid” na dalhin sa loob ng tren. Ito ay kabilang sa paghihigpit ng rail system matapos silang makakuha ng bomb threat tatlong linggo bago ang Jolo bombing.

Hindi alam

Si Zhang ay nasa turnstile na nang pinatigil siya ng isang officer at sinabi sakanya na ubusin muna ang taho na iniinom niya bago siya pumasok. Dahil wala sa mood ang Chinese na babae, hindi ito pumayag at nauwi ito sa sagutan hanggang sa isaboy na niya ang hawak na taho sa dibdib ng pulis.

Dahil dito, siya ay inaresto at kinasuhan at ngayon ay nasa kulungan.

Bad mood

Habang nasa piitan, nagpaabot naman siya ng paumanhin at nawa’y bigyang daw siya ng isa pang pagkakataon dahil mahal raw niya ang Pilipinas maging ang mga Pilipino.

“I was in a bad mood and I was not able to control my emotions,”

“I really admit the mistake I made, and I feel so regretful for it. I’m really, really sorry. And I really ask if it’s possible to have another chance for me,”

“I really like the Philippines, that’s why I stay here. I like the people here. I really love Filipinos, that’s why I stayed here and I like this country,”

Maliit na insidente

Ayon naman sa abogado ni Zhang na si Sandra Respall, isa lamang daw maliit na insidente ang nangyare at lumaki lang dahil ito ay nagviral. Naging emosyonal lamang daw ang kliyente niya sa isang pangyayari.

Ito naman ay hindi lahat pinanigan ng mga netizens

SOURCE: Youtube

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *