Crew ng Isang Fastfood Chain, Dinuro-duro ng Isang Galit Na Kostumer, Alamin Kung Bakit!

Tunay nga naman na napakasarap kumain sa labas o sa mga restawran lalo na kapg kasama ang buong pamilya. Sa mga espesyal na okasyon tulad ng kaarawan, holiday, o maging isang simpleng weekend lang. Habang tayo ay nagliliwaliw sa bawat masasayang weekend o holiday kasama ang pamilya sa pamamasyal, may mga taong nagtatrabaho at nagsisilbi sa atin sa kabilang dako. Yan ay ang mga restaurant o fastfood chain crew.

Para sakanila, walang holiday o weekend ang madalas nilang enjoyin dahil sa trabaho. Karamihan din sa kanila ay nagtyatyaga sa buhay at pag-aaral upang magkaron ng seguridad sa kanilang kinabukasan.

Customer is NOT always right

Isang netizen ang nagbahagi ng kanyang nasaksihan na pangyayari sa isang fastfood chain na kung saan ay matalino at kalmadong hinarap ng isang fast food crew ang isang nagngangalit na customer. Ayon kay, Lyn Montallana Macatuno, ang kaganapan ay nangyari sa McDonalds branch sa San Jose Del Monte, cor D. Tuazon, Quezon City. Bilang isang chef, saludo ang netizen na si Lyn sa pagiging kalmado ng crew sa kabila ng mga panduduro at pang-aalipusta sa pagkatao nito mula sa isang masungit na customer.

Ayon sa galit na customer, hindi daw ito sinagot ng crew ukol sa tanong nito. Ayon sa pahayag ni Lyn na syang nakasaksi sa lahat, abala ang batang crew sa sabay na pagaasikaso nito sa kanya at sa isa pang matanda kaya naman maaaring hindi nito narinig ang katanungan ng galit na kostumer. Sa panduduro ng inis na kostumer ay hindi napigilan ni Lyn na pagsabihan ang nagagalit na lalake habang pinipigilan ito ng asawa nito.

Sa pag-aakalang kalmado na ang lahat, muling bumalik ang lalaking galit na galit at muling dinuro ang batang crew at nagmayabang pang araw araw itong kumakain sa nasabing restawran. Naging mabilis naman sa pagtanggol si Lyn sa batang crew at muling hinarap ang lalaki. Ayon dito, sinabihan nya ito na wala itong karapatan na duruin at yurakan ang pagkatao ng bata para lamang sa napakaliit na bagay. Kung makaasta umano ang lalaki ay para bang nabili na nito ang pagkatao ng bata. Maging ang matanda na pinagsilbihan ng batang cashier ay ipinagtanggol ito mula sa nanggagalaiti na kostumer.

Wag nyo sila maliitin

Nagbigay naman ng babala si Lyn sa mga netizen na sana ay galangin din ang mga restaurant crew dahil hindi man sapat ang sahod ng mga ito mula sa pagtratrabaho ay namanatiling magalang ang mga ito. Malaki din ang sakripisyo nila para sa pamilya nila na halos pati holiday ay nagtatrabaho sila upang makapagsilbi hindi lamang para sa mga customer kundi para sa kanilang mga sariling pamilya.

Ang Viral post

“Shout out to this young man, a service crew in MCdonalds Branch in San Jose Del. Monte Cor. d Tuazon QC,for being Polite kahit dinuduro na sya ng isang Customer na hindi raw nya sinagot nung may tinatanong sya.. I was there also in front of this guy, isa ako sa naunang costumer at inaasikaso nya tapos may isang old man, so 2 kami.

Maybe hindi sya narinig nung bata, ksi nga dalawa kaming inaassist nya. Pero si kuya nagalit na lng bigla at dinuduro sya, syempre since andun ako, nagalit ako sa nanduro at sinabihan ko sya, na pwde magalit pero ung iface to face at duru-duruin mo that’s a big Foul.

So akala ko tapos na ksi umalis na ung lalaki, dahil inawat na sya ng asawa nya, pero bumalik pa at dinuduro ulit ung bata, at sinabi pa nya na alam mo ba na Costumer ako plagi dto baka hindi mo alam? Sinabihan ko ulit sya, oh ano namn ngaun?, basta wag ka manduro,na para bang binili mo na ung pagkatao ng service crew, sa halagang 1k, ganyan na tayo makaTrato sa tao, hindi lng nasagot ang tanong,magagalit na, malay ba natin baka hindi narinig.Minsan talaga hindi talga tama ung kasabihan na “Customer is always right”.

Sana minsan magkaroon din tayo ng malasakit sa kapwa natin, mahirap pong magwork sa Restaurant, lalo na sa mga ganyan klase food chain, ung iba dyan nagAaral pa, at ang totoo hindi sapat ang sweldo nila sa pagod na nakukuha nila sa work.kaming nagwowork sa Hospitalality Industry ay isa sa may pinakamahirap na work, kahit galit ka na, Dapat polite ka pa rin, kahit nagwowork kami sa Resto o hotel madalas kami po ay nalilipasan ng gutom😢 Madalas din wala kaming holiday😢.Pasko,Undas,mahal na araw, bagong taon o ano pang holiday wala kmi nyan, bawal din ang Sunday Off.

Kaya sana sa mga Costumer, wag namn nyong masyadong maliitin kaming nagwowork sa Hospitality industry, in case my mali, kausapin po pero wag duru duruin na para bang nabili nyo na ang pagkatao.. Salute to this young, dahil naging kalmado lng sya😊 pati nga pla si lolo na ksabay kong inaasikaso nya nagalit din sa umaaway sa knya.Si kuya na nagalit, magtayo ka ng sarili mong branch ng Mcdo, lagay mo sa loob mg bahay mo, pra asikaso ka agad pagdumating ka ng bahay nyo.”

Shout out to this young man, a service crew in MCdonalds Branch in San Jose Del. Monte Cor. d Tuazon QC,for being Polite…

Posted by Lyn Montallana Macatuno on Wednesday, October 31, 2018

Source: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *