Dalawang Venue Ng Paggaganapan Ng 50th Anniversary Ng CPP-NPA, Nasabat Ng Army Scout Rangers

Ang ika-50 taong anibersaryo ng rebeldeng grupo na CPP-NPA ay nalalapit na. Tinatayang magdudulot ito ng takot sa mga tao sa Mindanao. Nagpahayag naman ang lider ng NPA na si Joma Sison na hindi mabubuwag at mapipigilan ng militar ang kanilang selebrasyon. Ngunit tila mali ang kanilang hinuha nang kamakailang naagaw ng Philippine Army Scout Rangers noong Sabado ang kanilang hideout. Dalawang hideout ang tinatayang isinasaayos upang maging venue at pgdadausan ng ika-50 anibersaryo ng CPP-NPA.

Ika-50 Taon Ng Rebeldeng Grupo

Dalawang site ang naagaw ng militar mula sa mga rebelde na syang nasa kalagitnaan ng Bukidnon at Agusan Del Sur. Ang mga ito ay natukoy dala ng engkwentro ng militar at NPA noong ika-12 at 13 ng Disyembre.

Ang unang engkwentro ay noong December 12 nang makasagupa ng Army Scout Rangers ang 40 na armadong mga rebelde. Ang mga nasabing terorista ay naaktuhang nag-aayos sa isang 20 x 300 na metrong hideout na syang tinatayang kaya makapag-accommodate ng 120 na katao. Ang sinasabing multi-purpose hall ay nakitaan ng dalawang kusina, patubigan, at isang generator set.

At sa umaga naman ng December 13 ay nakaengkwentro naman ng mga Army Scout Rangers ang mga parehong terorista ilang metro ang layo mula sa pinangyarihan ng engkwentro noong ika-12 ng Disyembre.

Ang ikalawang site naman na kanilang natukoy ay tinatayang mas malaki sa 40 x 200 na lupain na syang sinasabing tila lodge house na may improvised beds at mga kubo na syang kaya makapag-accommodate ng 100 katao.

Mga Nasabat Mula Sa Dalawang Venue

Maraming nasabat ang grupo mula sa dalawang site katulad ng mga armas, mga bala, granada, at mga personal na kagamitan ng mga terorista. Mayroon ding mga dokumento ng CPP-NPA National Democratic Front ang nakumpiska mula sa dalawang magkasunod na engkwentro.

Matagumpay Na Misyon

Pinuri naman ng Commander ng 403rd Infantry “Peacemaker” Brigade na si Commander Edgardo De Leon ang Army Scout Rangers sa matagumpay nitong misyon. Nagpahayag naman si Presidential Spokesperson Salvador Panelo noong December 6 na handa ang gobyerno sa anumang pag-atake na binabalak ng mga rebelde para sa ika-50 anibersaryo nito.

Ang anibersaryo ng CPP-NPA ay sa ika-26 ng Disyembre.

Weapons, ammunition, explosives, medical kits, personal belongings, and CPP-NPA-National Democratic Front documents were also seized during both encounters.

Posted by GMA News on Saturday, December 15, 2018

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *