Duterte, Magbibigay Ng Pabuya Sa Mga Pulis Na Makakapaslang Ng Kanilang Opisyal Na Sangkot Sa Iligal Na Dr0ga

Dahil sa sunod sunod na pagkakadawit ng ilang tiwaling pulis at opisyal ng PNP sa ipinagbabawal na dr0ga, sinabi ni Pangulong Duterte na bibigyan nya ng pabuya at libreng bakasyon ang sinumang pulis na makakapaslang sa kanilang superyor na sangkot sa iligal na gawain.

Salot Ng Lipunan

Sa isang post na ibinahagi ng GMA News sa Facebook, galit na binantaan ng pangulo ang mga tiwaling pulis na sangkot sa iligal na dr0ga na hindi siya magdadalawang isip na p4tayin ang mga ito.

Sa isang pagpupulong ng Kabinete sa Malakanyang, sinabi ni Duterte na ang problema sa dr0ga ay isang “national conflagration” kung saan mga pulis, mga mayor at pati mga barangay captains ay kasali na sa kalakaran ng iligal na dr0ga.

“Eh mga police ‘yan karamihan mga g—. P—ina kayo. Puro nasa droga rin… T— ina mga pulis ‘yan, papatayin ko talaga kayo. Do not give me that human rights,” galit na pahayag ng pangulo.

Pabuya

Sinabi din ng pangulo na bibigyan nya ng pabuya ang sinumang pulis na makakapat4y sa kanyang opisyal na sangkot sa dr0ga. Bukod sa perang pabuya, bibigyan din nya ng libreng bakasyon sa Hong Kong ang pulis.

Ito ay sa gitna ng pagkakasangkot ng isa na namang opisyal ng kapulisan sa kalakaran ng dr0ga sa bansa. Nitong nakaraang Lunes, nabaril at nap4tay sa isang shoot-out si Superintendent Santiago Ylanan Rapiz. Si Rapiz ay hepe ng Logistics branch ng Zamboanga Del Norte Police. Nahuli si Rapiz sa isang buy-bust operation sa Dipolog City at napat4y matapos makipag barilan sa mga operatiba ng kapulisan.

Si Rapiz ay napagalamang isang “ninja cop”, na inilalabas at ibinebentang muli ang mga dr0gang nahuli ng kapulisan sa kanilang mga operasyon.

Tulong Ng Militar

Dahil ang problema sa dr0ga ay maituturing ng isang “national security issue”, humingi na ng tulong ang pangulo sa AFP upang tulungan ang mga pulis na puksain ang problema sa dr0ga.

“This is a national security issue. I have every right to call on the Armed Forces to assist the police.” paliwanag ng pangulo.

Ito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens:

Source: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *