Duterte, Pinatanggal Ang Mga “Thank You” Banners Para Sa Kanya Sa Boracay

Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na siya ay inutusan ng presidente na tanggalin ang anumang mga poster o banner na nagpapasalamat sa pangulo sa paglilinis ng Boracay.

Ayaw Ng Pasikatan

Ikinwento ng punong tagapamahala ng turismo ng bansa na si Puyat na siya ay napagalitan pa ng pangulo ng kanyang ipakita ang isang larawan ng isang banner na nagsasabing “Thank You PRDD For Saving Boracay”. Hindi gusto ng pangulo ang mga ganitong publisidad. Ang katwiran ng pangulo ay wala siyang balak pabanguhin ang pangalan nya sa taumbayan.

Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat at PRRD. (Photo Source Philippine Star)

Dahil sa utos ng pangulo, sinabihan ni Secretary Puyat ang mga kawani ng Boracay Inter-Agency Task Force, pati na din ang mga tanggapan nila Environment Secretary Roy Cimatu, DILG OIC Eduardo Anio, at DPWH Secretary Mark Villar na tanggalin ang anumang billboard o poster na nagpapasalamat sa pangulo.

Maaalalang ilang beses ng pinigilan ng pangulo ang mga media na kumuha ng mga photo-ops sa kanyang mga proyekto. Isa dito ay ng pagalitan nya si Bong Go ng maglabas ito ng malaking tseke para sa photo-ops ng tulong na ibinigay nila para sa mga nasalanta ng bagyo sa isang probinsya.

Bagong Boracay

Ang isla ng Boracay ay nakatakdang buksan bukas matapos ang 6 na buwang pagkakasara dito upang maisagawa ang rehabilitasyon nito. Pinasara ni Pangulong Duterte ang Boracay noong Abril, sa kabila ng maraming pagtutol mula sa oposisyon. Ang isla ay napabayaan na at tinawag nya itong “Cesspool”.

Ngayon ay nanumbalik na ang dating ganda ng Boracay, bagamat sinabi ni Secretary Puyat na sila ay nasa unang bahagi pa lamang ng pagsasaayos ng Boracay. May mga nakatakdang pagsasanay sa humigit na 2,100 manggagawa na siyang mga “front-liners” na haharap mismo sa mga turista sa pagbubukas ng isla.

Pagpapanatili Ng Kaligtasan

Upang masiguro ang kaligtasan at proteksyon ng mga turistang pupunta sa pagbubukas na muli ng Boracay, minabuti ng DOT na isailalim ang mga halos 100 pulis sa “Tourist Oriented Police for Community Order and Protection Awareness Training”.

Samantala, tinatawagan din ni Puyat ang lahat ng turista na maging responsable sa kanilang pagbisita sa isla para matupad ang kanilang adhikain na “ Better Boracay.”

Ito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Source: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *