Emosyonal na Proposal ng Isang Beki sa Partner na Tomboy sa Eat Bulaga!; Bossing Naluha!

Puno ng pag-ibig ang buwan ng Pebrero dahil sa nalalapit na Valentines Day. Sa isang segment ng longest running noontime show, Eat Bulaga! Literal na binulaga ng dalawang contestant ang studio nang magpropose ang isang beki sa partner nitong lesbian. 

Proposal Sa Eat Bulaga!

Sa segment nito na Boom!, ibinahagi ng couple na sina Emman at Karla ang kanilang limang taong relasyon. Humingi ng permiso ang beki na si Karla na bigyan ng mensahe ang partner na tomboy na si Emman. Nang paunlakan ito, nagpahayag ito ng pasasalamat para sa partner dahil hanggang ngayon ay magkasama at matatag ang kanilang pagsasama sa kabila ng mga pinagdaanan ng kanilang relasyon. At bigla nga ay lumuhod ito at nag-propose sa partner. Hindi lamang ang mga host ng programa ang nagulat. Pati na rin ang mga audience at mismong si Emman. 

Ang Pinakahihintay Na “Oo”

Mas naging masaya pa ang segment sa pagsagot ng “oo” ni Emman. Bagaman aniya ay wala silang sapat na pera ay nangako si Karla na itataguyod nito ang kanilang pagpapakasal sa abot ng makakaya nito. 

Maraming tao ang na-touch at pati si Bossing ay naluha sa nasaksihang proposal. Hindi lang dito natatapos ang bulagaan! Sa mensahe ni Emman, nagpapasalamat ito kay Karla dahil sa mahabang pasensya nito at pag-iintindi sa mga pinagdadaanan nito. At sa mga oras na iyon ay ibinunyag nito na sya ay buntis ng anim na linggo. Pagbabahagi nila, noong isang araw lamang nila napag-alaman. 

Masayang Pagbati

Nagpabatid ng masayang pagbati ang mga host ng Eat Bulaga para sa kasal ng magkasintahan at sa malapit na mabuong pamilya nila. Inimbitahan din ni Karla si Bossing na maging ninong sa kanilang kasal. 

Tuwang-tuwa din ang mga netizen at nagpabatid ng kanilang pagbati para sa magkasintahan. Ayon sa kanila ay swak na swak ang dalawa. Marami din ang naging emosyonal at naiyak sa nangyaring proposal. Bumuhos ang sandamakmak na pagbati sa dalawa para sa nalalapit na dagdag sa kanilang pamilya. 

Marami ang natuwa sa love story ng dalawa at nagsilbi itong inspirasyon para sa marami. Nakakuha ng maraming views ang video nito sa Youtube at social media.

Boom! Nag-propose! #LoveForAllAllForLove

BOOM! Walang ligawan pero tumagal ang kanilang relationship ng five years! At after ng limang taon na in-a-relationship status nina Karla at Emman, mapapalitan na nila ito ng MARRIED! Congratulations Karla and Emman! ❤️❤️❤️ #LoveForAllAllforLove

Posted by Eat Bulaga on Friday, February 8, 2019

Ito naman ang komento ng ilang Netizen tungkol dito.

SOURCE: Facebook


Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *