Ex-GF Ng Groom, Sumugod sa Kasal at Nagmakaawang Balikan!

Viral ngayon ang video ng pag-gate crash ng ex-gf ng groom sa kasal nito. Makikita ang babae sa video na nagmamakaawa sa lalake na balikan sya nito. Tila hindi nito alintana ang bride na kasama ng groom sa kasal nito. Makikita na lumuhod pa ang ex-girlfriend at hinahatak ang kamay ng groom. 

Ex-GF na Gate Crasher 

Sa kabilang banda ay makikitang gulat at dismayado ang mukha ng bride na halos nais na layasan ang sariling kasal. Ang rason diumano kung bakit hiniwalayan ng lalaki ang kanyang dating nobya ay dahil paulit ulit itong niloko. At ngayon nga na ikakasal na ang lalaki sa iba ay biglang sumugod ang ex-gf sa kasal ng dating boyfriend at nakasuot pa ito ng wedding gown. 

Mala-Telenobela 

Komento ng netizens, akala nila ay sa telenobela lamang nangyayari ang mga ganitong sitwasyon, sa tunay na buhay din pala. Inulan naman ng batikos ang ex ng groom at tinawag itong “desperada.” Anila ay hindi dapat nag-gate crash ang dalaga at makiusap na balikan ng ex sa mismo pang harap ng bride nito. Mali umano na ipilit ang sarili sa taong nawala na sa kanyang buhay. Banat ng netizens, hindi mo malalaman kung ano ang kahalagahan ng isang tao sa iyo hanggat hindi sila nawawala sa buhay mo. 

Taken For Granted 

Tipikal umano na nate-taken for granted ng ilan sa atin ang mga mahal natin sa buhay. At sa punto na mawala na sila sa atin ay doon lamang natin malalaman kung gaano sila kahalaga at kung gaano natin kagusto na makasama sila. Tila asar namang ang iba sa dating nobya ng groom dahil may mukha pa umano ito na maihaharap sa lalaking dati ay niloloko lang nito. Dapat ay mag-move on na lamang at hayaang maging masaya ang dating partner sa bagong girlfriend nito. 

Pag-Ibig 

Ang pag-ibig ay isang kumplikadong aspeto ng ating buhay. Saya at lungkot na magkahalo ang hatid nito ngunit ito ang pinakamasaya at pinakamagandang feeling para sa isang tao. Ika nga nila, pag tinamaan ka nga naman ni kupido, wala ka nang magagawa kundi sundin ito. Ganunpaman, dapat ay maghinay hinay lamang sa pag-ibig at laging tandaan na magtira ng para sa sarili. 

SOURCE: Youtube

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *