Father’s Day Prank Ng Isang Vlogger Na Si Keith Talens, Nauwi Sa Pagdadalamhati

Trending ngayon sa Facebook at Youtube ang sinapit ng dapat sana ay pagpa-prank ng vlogger na si Keith Talens sa kanyang tatay. Ibinahagi ni Keith sa kanyang mga kasatsat ang binabalak na prank para sa kanyang tatay bunsod ng pagdiriwang ng Father’s Day. 

Father’s Day Prank 

Sa mahabang biyahe ng kanilang grupo papuntang Santiago City ay nagkaroon pa ng mga sitwasyon na naligaw sila at kinailangan ng higit na oras na paghahanap ng U-turn slot. Dalawang beses sila naligaw na kung sana ay nagbabahagi si Keith ng pagkaramdam ng kaba sa kung paano nito mapa-prank ang tatay nito. Aniya ay kinuntsaba nito ang kanyang stepmother na iprank ang tatay niya. 

Sa video ay makikita at ramdam ang sobrang pagkasabik nito na makita ang kanyang ama at maprank ito. Naibahagi ni Keith na ito ang kanyang sandalan at kakampi sa buhay. 

Nakakagulantang Na Pangyayari 

Hanggang sa maipakita sa video ang pagdating ni Keith sa tila ospital habang may dalang asul na mga lobo. Makikitang tila gulat na gulat ito sa kinahantungan ng walang buhay na ama. Napunta ng paghihinagpis ang lugar na kung saan ay hindi na din nakontrol ng vlogger ang kanyang sarili at nagpalahaw sa iyak. Nagtatatalon ito at nagpapalahaw sa iyak bunsod ng di inaasahang paglisan ng ama nang wala man lang pasubali. 

Pagdadalamhati 

Sa video ay maririnig ang pagdadalamhati ng iba pang myembro ng pamilya nito. Puno ng pagmamakaawa sa Panginoon sa itaas si Keith na ibalik ang kanyang ama. Tila ay hindi pa ito makapaniwala sa nangyari. Panay ang tawag nito sa ama habang niyayakap ito nang mahigpit. Aniya ay hindi nito kaya na mawala ang kanyang pinakamamahal na dade. 

Buhos Ng Pakikiramay 

Napuno ng pakikiramay ang mga netizen sa kanilang komento sa Facebook at Youtube. Bumuhos ang suporta ng mga followers nito na makakayanan nito ang bigat ng pinagdadaanan sa mga panahon na ito. Marami ang naiyak nang mapanood nila ang nasabing video habang ang iba naman ay nakarelate sa pinagdadaanan ni Keith. Nagpabatid din ang netizens ng dasal para sa ama ni Keith at sa naiwang pamilya nito. Ang prank na masaya sana ay naging pagdadalamhati para kay Keith. 

SOURCE: Youtube

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *