France, Naglaan Ng 26 Milyon Para Sa Posibilidad Ng Cable Cars Upang Ibsan Ang Matinding Trapik Sa Kamaynilaan

Ang malalang trapiko ang isa sa mga hinaing ng mga mamamayang Pilipino. Bawat araw ay malaking oras ang inilalaan ng mga komyuter bago pumasok at pauwi ng kanilang mga bahay. Kasabay pa ng paggawa ng mga major road na proyekto ng gobyerno, pinaalalahanan ang mga komyuter na mas dagdagan ang pasensya at oras na ilaan sa byahe. Sa dulo ng lahat ng ito ay tayo rin naman ang makikinabang.

Sa kabilang dako naman ay pinapaigting at hinahanapan ng iba’t-ibang solusyon ng Metropolitan Manila Development Authority ang labis na trapiko. Maliban sa pagtanggal ng mga illegally parked na sasakyan at ng mga illegal vendors sa bangketa, nag-aabiso sila ng mga maluluwag at posibleng madaanan ng mga motorista. Isa na dito ang Mabuhay Lane.

Cable cars

Dagdag pa dito ay ginagawa din ng Pangulong Duterte ang parte nya para sa ikauunlad ng bansa. Kamakailan lang ay ibinalita ng Department of Transportation ang pakikipag-ugnayan ng Pangulo sa France na kung saan ay naglaan ito ng 26 milyon na piso para sa pag-aaral ng posibilidad na paggamit ng cable cars upang maibsan ang trapiko sa Kamaynilaan. Kapag naisulong na ay ito ang magihing kauna-unahang cable car mass system sa bansa. Ang magsasagawa ng pag-aaral ay ang MDP Consulting at Systra na isang French Firm. Tinatayang aabot hanggang 10 buwan ang nasabing feasibility study. Kahapon lang ay ginanap sa Clark, Pampanga ang kick-off ceremony sa DoTR.

Sa isang report naman ng News5, inihayag diumano ni DoTR Secretary Tugade na kapag naikasa na ang cable car sa bansa, katulad lamang ng presyo ng pamasahe sa jeep at bus ang ilalaan ng mga Pilipino dito.

Magaling na lider!

Ikinatuwa naman ng mga netizen ang nasabing proyekto, lalo na ang pag-aaral na ilalaan para dito. Anila ay hindi basta basta maglalagay ang gobyerno ng cable car bagkus aaralin muna ang posibilidad nito. Sa napakaraming pagkakataon ay ikinasiya ng mga mamamayan ang aksyon ng pangulo ukol dito. Ayon sa marami ay hindi nagsasayang ng pagkakataon ang pangulo at makikitang may ginagawa itong aksyon para sa bayan. Sa pamamagitan ng mga proyektong ito ay nakikita ng mga tao na tunay na may malasakit at puso si Duterte para sa bayan. Ang matapat na pamamalakad ng gobyerno ay muli na namang naikumpara sa mga kumakalaban dito. Ayon sa isang netizen, habang abala ang pangulo sa pagsasaayos ng bansa, abala ang mga kalaban nito na sirain ang presidente at ang kasalukuyang administrasyon.

Ito ang mga piling reaksyon mula sa netizens:

Source: News5

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *