Ginang, Di Makapagbayad ng Bill Sa Isang Restaurant Sa QC, Iginigiit Ang Cashless Society

Ang mga taong nakakasalamuha natin sa paligid ay may mga kwento sa buhay na hindi natin nalalaman kaya ika nga ay wag maging mapanghusga. Ang bawat isa sa atin ay may mga dinadalang problema at mga pinagdaraanan sa buhay kaya naman kinakailangan natin na maging puno ng pag-intindi sa kapwa. Hindi natin alam kung gano kabigat ang dinadala ng isang tao, o kung ito ba ay tuluyang bumigay na sa buhay.

Cashless

Isang ginang ang nag-viral sa Facebook na sinasabing may problema sa pag-iisip. Sa isang restaurant ay makikita ang isang babae na tila may problema diumano sa pag-iisip dahil sa hindi pagbabayad ng bill nito matapos na kumain sa isang restaurant sa Quezon City. Sa video ay kinakausap ito ng security guard habang ang ginang naman ay patuloy sa pagbibigay ng eksplanasyon sa mga ito at nagsasabing “cashless” siya. May dala itong mga papeles na syang sinasabi nito na kanyang mga patunay na legal ang kanyang ginagawa.

Ngunit, hindi naging madali para sa mga tauhan ng nasabing kainan na paniwalaan ang ginang dahil madami itong sinasabi na mga kakaibang bagay na syang nagsusubok ng pagtingin ng mga ito sa katinuan ng ginang. Sa huli, tila mauuwi ang kaganapan sa pagpunta sa presinto upang ireport sa mga pulis ang mga pangyayari.

Modus nga ba ito?

May mga netizen na nagkomento na isang modus ito na makakain ng libre sa isang establisyemento. May mga nagsabi din na ang nasabing babae ay kasalukuyang naka-blotter sa Makati dahil sa sinasabing modus umano ang pakay nito. Ngunit marami ang nagpapatunay na mga netizen ukol sa tunay na pagkatao ng nasabing ginang.

Ayon sa isa, ang ginang ay isang propesor o guro. Ito ang kinahantungan nitong kapalaran nang mawalan o mamatayan umano ng anak na lalaki. Marami ang nagbibigay babala na huwag muna husgahan ang ginang. Marami ring netizen ang nagbigay ng kanilang komento ukol sa mga kilos ng ginang na syang nagbibigay ng senyales na may problema ito sa pag-iisip at kinakailangan na mabigyan ng karampatang gamot at pahinga na higit na kinakailangan nito.

Watch | Kumain sa Resto tapos nung bayaran na Cashless daw siya. 😂😅 Pano nangyare yun?PART 2:https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=510222736158652&id=231686147345647

Posted by Social Pinoy on Wednesday, October 31, 2018

Part 2

Ikalawang parte ng video naman ang inupload ng Social Pinoy na Facebook page na kung saan ay inuulit lamang ng ginang ang kanyang mga sinabi sa naunang video nito tungkol sa cashless, gunless, at iba pa katulad ng mga nakatayang buhay ng mga guro na katulad nya, mga estudyante at ang kanyang nawawalang anak. Sa kabila ng lahat ay patuloy pa din ang pag-iimbita ng mga gwardya na sumama ito sa presinto ngunit mariin ito sa pagsama at patuloy na ginigiit ng ginang ang “cashless society” na sinasabi nito. Nabanggit din nito ang Alvin Toffler, isang kilalang awtor ng libro na syang nagbigay ng prediksyon ukol sa cashless society sa hinaharap.

Part 2 na kumain sa resto tapos walang pambayad kasi daw cashless daw Gunless at cashless ang alvin topler consider it pay. 😂😅

Posted by Social Pinoy on Thursday, November 1, 2018

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *