Ginang Na Nagreklamo Sa Globe Office, Nag Beast Mode!

Isang ginang ang makikitang naubusan ng pasensya matapos niyang magwala at pagsisigawan ang staff ng Globe Store Sa Megamall kamakailan. Maging ang mga security ng nasabing store ay hindi magawang pigilan siya at nakatanggap din ng mura mula sa ginang.

Wala Kayong Silbi

Sa isang video na ibinahagi ng netizen na si Aizell Mc Kuleth sa Facebook, isang ginang ang nagbeast mode sa mismong opisina ng Globe sa Megamall. Maririnig na pinagsisigawan niya ang Customer service staff ng Globe, at maging ang mga gwardya na balak siyang patigilan ay hindi nakaligtas sa kanyang mga maaanghang na salita.

Marahil ay punong puno na ang ginang sa kanyang problema sa Globe, kung kaya’t hindi niya na napigilan ang kanyang damdamin at nag beast mode na siya. Marami sa atin ang naging biktima na rin ng walang kwentang Customer Service mula sa mga Telecom Industry dito sa bansa kung kaya’t naiintindihan natin kung bakit tila sumabog ang emosyon ng ginang sa pangyayari.

Walang Kwentang Serbisyo

Talaga namang may pagkakataong gusto nating magwala dahil na rin sa kakulangan ng magandang serbisyo na hatid ng mga Telecoms sa bansa. Ang kanilang kalidad ng serbisyo ay hindi katumbas ng kanilang mataas na pagsingil. Kadalasan pa ay maraming problema sa kanilang pagbibigay ng serbisyo.

Kung sakaling ang mga kustomer ay nagkaproblema sa kanilang serbisyo, napakahirap tumawag sa kanilang hotline. Kung swertehin ka man at makalusot sa kanilang hotline, ang mga customer service agents ay tila hindi lugod sa pagtulong at madalas ay papangakuan ng callback na madalas ay hindi naman nangyayari.

Magpasok Ng Bagong Telecom

Alam ng gobyerno ang dinaranas ng mamamayan at ang pagmamanipula ng 2 higanteng Telecom sa industriya kung kaya’t inaayos na nito ang pagpasok ng iba pang Telecom companies sa bansa.

Sa pagpasok ng bagong Telecom player sa bansa, sana ay magising na ang 2 higanteng Telecom at ayusin na ang kanilang serbisyo sa mamamayan. Kung hindi, nanganganib silang maungusan ng sinumang papasok na kumpanya sa industriya.

Panoorin ang Video:

Ang orihinal na video ay burado na sa hindi malaman na kadahilanan kung bakit ito binura pero may mga Netizen na nagre-upload nito.

babae galit na nag reklamo sa globe dahil sa palpak na network at walang aksyon

Sm mega mall globe office madami na kasi nag complain sa network ng globe hindi maasikaso ng network oh mga stuff ng office.. kayo na po ang bahala humusgavideo credit to the owner

Posted by Team Trojan Esports on Tuesday, February 12, 2019

Ito naman ang agaw pansin na komento ng ilang Netizen tungkol dito.

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *