G₳lit na Anak, Minura ang Nanay na Sumama sa Tomboy

Lumapit sa Raffy Tulfo In Action ang isangama na si Darwenio Yee upang matulungan na makausap ang kanyang asawa na diumano ay sumama sa isang tomboy. 

Panawagan 

Nanawagan si Darwenio sa asawa na bumalik na sakanya at iwanan na ang tomboy na kasalukuyang karelasyon nito. Kasama nito ang kanyang anak na panganay na si Loida Yee at akay akay pa ang dalawang anak.

Pumunta sa opisina ni Raffy si Delia kasama ang diumano lesbi₳n na karelasyon nito na si Creselda Rodriguez. Doon ay nagpang-abot ang anak na si Loida at agad na binirahan ang tomboy ng mga hinaing nito sa kanyang nanay. Ayon kay Loida, si Creselda umano ang dahilan ng pagkasira ng kanilang pamilya at kung balit nalulugmok ang kanyang mga kapatid. Hiling nito ay umalis na sa buhay ng kanyang ina na si Delia amb tomboy. Sa kabilang banda ay tahimik ang lesbi₳n habang nakikinig sa pag-aaway ni Loida at Delia.

Hinaing ni Misis 

Naglabas naman ng hinaing si Delia at dahilan kung bakit ayaw na nito makipagbalikan sa asawa. Aniya ay sinasakt₳n umano sya nito sa tuwing malalasing at tinatapunan umano sya ng ihi sa tuwing magtatapos sila sa pagtatalik kapag lasing ito. Giit nito, dito nalang sya sa Maynila at magtataguyod ng sustento para sa kanyang mga anak.

Argumento

Si Loida at Delia naman ay nagkainitan sa kanilang pag-uusap. Isiniwalat nito ang mga naging kalokohan ng kanyang nanay noon. Ang mga pakikipag-chat nito sa mga foreigner na nagpapakita ng maselang parte sa video. Sa katunayan ay nahuli din ito noon ni Creselda.

Sa kabila ng mga sama ng loob ay nais pa din ni Loida na mabuo ang kanilang pamilya alang-alang sa kanilang magkakapatid. 

Tanggal sa Trabaho

Kalaunan ay pinatanggal ni Raffy sina Creselda at Loida sa kanilang trabaho. At tuluyang pinaalis na ang lesbi₳n nang magkaroon ng deal sa gitna ni misis at anak nito. Nangako naman ang asawang si Darwenio na hindi na nito uulitin ang mga ginagawa nitong pananakit noon sa asawa. Ipinangako naman ng dalaga na propeotektahan nito ang kanyang nanay kung agrabyaduhin man ito ng kanyang tatay. 

Bwelta ng Netizens 

Binweltahan naman ng mga netizen ang pagiging diumano bastos at walang respeto ng dalaga sa pakikipag-usap sa kanyang nanay.

Anila ay hindi dapat sisihin ang tomboy sa nangyari sa pamilya dahil anila ay baka may pinagdaanan din si misis sa piling ng kanyang asawa. Tulad ng sabi nito, nananakit ito. 

SOURCE: Youtube

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *