Gretchen Baretto, Nagpahayag ng Pagpanig kay Nicko Falcis sa Kaso Laban kay Kris Aquino

Muli naging mainit ang isyu ng hidwaan sa gitna nina Kris Aquino at ng kanyang datingbusiness partner na si Nicko Falcis.

Si Nicko Falcis ay inakusahang nagnakaw ng higit isang milyon mula sa pera ng aktres na sana ay nakalaan para sa kanyang mga anak.

Aquino Laban Sa Kanyang Business Partner

Ngayon ay tila nagbubukas na ang pintuan ni Nicko Falcis at bukas na ito sa pagsasalita ukol sa kasong kinakaharap nito. Si Nicko ang kuya ng kilalang abogado na si Jesus Falcis na syang nakilala sa pagkritiko sa pangulo at sa kasalukuyanh administrasyon. Sa pagputok ng balita at pagsasampa ng kaso ni Aquino laban sa dating accountant ay sya ring pagdepensa ng abogado sa kanyang kapatid na noon ay tahimik at tikom ang bibig sa isyu. 

Suporta Ni Gretchen Kay Nicko 

Ganunpaman, sinuportahan naman ng aktres na si Gretchen Barreto ang salaysay ni Nicko Falcis na nakatanggap ito ng mga banta mula sa kampo ni Kris Aquino. Sa Instagram account nito ay sinabi nitong hanga ito sa katapangan na ipinakita ni Falcis upang ibunyag ang katotohanan at ang pagtatanggol nito sa kanyang pangalan at sa reputasyon ng kanilang pamilya sa kabila ng mga banta sa kanyang buhay. Ayon sa post nito, tigilan na ang pambubu££y at power tripping. 

Banat Ni Aquino 

Isang netizen naman ang naglakas loob na magkomento sa IG post ni Aquino at kuhain ang pahayag nito ukol sa post ni Baretto. Ayon sa aktres, 

“In this issue, I shall choose to look back on the year 1986. Gretchen may dislike me now, but she campaigned for my mom against the Marcoses. Dedma na sa pagtingin niya sa akin.”

Dagdag nito, 

“I have stated this time and again — I can look beyond insults against me because it’s part of the territory. But if my mother was treated with respect and my sons weren’t hurt — I am chill. So if I can chill, maybe all of you should be too?” 

Showbiz 

Sari-sari naman ang mga reaksyon ng mga netizen sa isyu sa gitna nina Gretchen Baretto at Kris Aquino. May mga kumakastigo kay Gretchen at ipinapaalala dito ang pagiging “other woman” nito sa kilalang business owner. May mga pumapanig din kay Kris Aquino sa pagiging kalmado nito sa kabila ng mga pinagdadaanan sa buhay. 

Gretchen Barretto posted an article that detailed the death threats Nicko Falcis allegedly received from Kris Aquino's camp, and called for an end to "bullies" and to "stop power tripping!"

Posted by ABS-CBN News on Saturday, January 5, 2019

Ito naman naging komento ng ilang kababayan natin.

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *