Guro Nilasing At Min0lestya Ang Studyante Niya Kapalit Ng Pag-Graduate

Isang ama ang dumulog kay Raffy Tulfo in Action kasama ang anak niyang min0lestya ng kanyang guro ng tatlong beses. Hindi pa nakuntento ay binlackmail pa ito ng guro at dinamay ang grades ng mga kaklase niya.

Pagkikilanlan

Dahil maselan ang isyu na dinudulog nila, minabuti ng programa na itago nalang ang mga mukha nila. Ayon sa kwento ng estudyante, una daw na may nangyari sakanila ng guro niya ay noong Oktubre, at naulit pa ng dalawang beses ngayong Enero.

Dagdag pa nito, ginagamit daw na panakot ng guro na isusumbong siya sa principal at ibabagsak ang grado. At hindi lang yun, pati ang mga kaklase niya ay idadamay pa sa pagbagsak ng grado ng guro.

Kawalan ng aksyon

Nang kinausap ni Raffy Tulfo ang prinsipal ng eskwelahan upang mahingan ng kanyang panig, tila walang pagmamadali o pagkabahala sa tinig ni principal. Ayon sakanya, wala daw siya sa lugar gumawa ng aksyon dahil may proseso, at ang tamang proseso ay mag file ngg complaint ang biktima sa school board at tsaka sila gagalaw kung ano ang ipagutos na gawin.

Nainis naman si Raffy dahil ang gusto daw sana niyang marinig ay sabihin ng principal na iimbestigahan niya ang nangyare at hindi titigil hanggat hindi nabibigyan hustisya ang pambabast0s sa bata.

Subalit walang narinig na ganun si Raffy, bagkus ay tinawag pang “rumor” o tsismis nito ang nangyari sa bata.

Mga saksi

Sa kabila ng pagtawag ng tsismis ng principal, nagsama naman ang biktima ng dalawang kaklase na nasaksihan umano angg aktwal na pangmom0lestya ng guro sa biktima.

Tinwagan din ni Raffy ang kinauukulan at sinabi nito na tutulungan angg biktima na magfile na ng kaso sa araw din na yun.

Ang salarin

Napagalaman pa sa mgga biktima na pinipilit umano sila ng guro nila na malasing sa isang beerhouse at pagkatapos ay aayain sa motel. Nang sinubukan namang kausapin ang guro sabi lang nito ay walang katotohanan ang sinasabi ng mga biktima, pagkatapos nun ay hindi na nakaimik nang umalma ang mga biktima.

Lalo na nang maglabas ng sama ng loob ang ama, hindi man lang makapagsalita ang guro.

SOURCE: Youtube

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *