Hiling Ng Mga Pinoy Professional Workers Kay Duterte, PRC Training, Itigil Na!

Nitong nakaraang taon lamang ay ipinatupad ang CPD law o ang Continuing Professional Development. Bagaman ay nilalayon nitong bigyan ng tuloy tuloy na training at kaalaman ang mga professional workers na Pinoy, ay tila nagiging pasanin ito para sa mga propesyonal.

Ano ang layon ng CPD law?

Ayon sa CPD law, ang pagpaparenew ng lisensya ng mga professional worker ay kinakailangan sa bawat tatlong taon. Nilalayon nito na mabigyan ng mga pormal at impormal na training ang isang tao, higit pa sa mga basic training na natamo nito bago makapasa sa licensure exam. Layon nito na pagtibayin ang papel o ang haba at dami ng experience ng isang worker. Dito din mata-track ang mga skills ng isang tao. Ganunpaman, hindi sinasang-ayunan ito ng karamihan.

Bakit hindi ito nakabubuti?

Para sa maraming Pinoy professional workers, ang CPD law ay nagiging training scam. Dahil sa pagpapatupad ng Philippine Regulations Commission na umattend ang bawat worker sa mga training centers na accredited lamang nila, nagiging mahirap ang byahe at paggugol ng oras para dito. Sa kasalukuyang kondisyon ng ekonomiya, nagiging pabigat din ang malaking fee na hinihingi ng mga training center na umaabot sa ilang libo. Napansin pa diumano ng mga nagtr-training na hindi experienced lecturers ang mga humaharap sa kanila at tila hindi alam ang kanilang tinuturo. Para sa kanila ay sayang ang ibinabayad nila para rito.

Itigil ang PRC training

Nanawagan naman ang dalawang party-list representative na sina Neil Abayon ng Aangat Tayo at Bernadette Herrera-Dy ng Bagong Henerasyon kay Pangulong Duterte na ipatigil na ang CPD Law dahil aniya ay nagiging scam na ito para sa mga professional worker, lalo na sa mga OFW na wala sa bansa para gawin ang ipinapatupad na training.

Ayon umano ay hindi naisaayos ng PRC ang pagpapatupad nito. Dagdag pa aniya ay nagiging bulag at bingi ang PRC sa mga hinaing ng mga professional workers. Sinasabihan sila umano na ilapit na lamang sa Presidente ang kanilang mga reklamo.

Pahirap sa buhay

Inilabas ng mga netizen ang kanilang hinaing sa nasabing PRC training. Ayon sa marami, isa itong pagsasayang ng pera lalo na sa mga kakagraduate lamang, dahil kinakailangan na naman nila muling maglabas ng malaking halaga ng pera para rito. Kapansin-pansin din ang mga lecturers na tila hindi alam ang kanilang itinuturo. Isa din itong malaking dagok para sa mga propesyonal na nasa labas ng bansa, na kung saan ay kakailanganin pa umuwi ng Pilipinas para sa nasabing training.

CPD Law

Ang CPD law ay pinangunahan nina Senator Trillanes, Chiz Escudero, at Cynthia Villar.

Source: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *