Huli Sa Aktong Pangingikil Ng 2M Ang Dalawang BIR Officials

Ang korapsyon ay hindi na bago sa Pilipinas. Lalo na sa mga sangay ng gobyerno na may mga “under the table” na ginagawa upang makaloko ng ibang tao at magkaron ng pera.

Ang bago lamang sa panahon na ito ay ang administrasyon ni Pangulong Duterte ay nagsisimula nang ubusin ang mga corrupt sa gobyerno, ang dating mga nakakalusot ay tahasan nang nahuhuli at isinusumbong.

Entrapment

Isa ang BIR o Bureau of Internal Revenue sa mga sangay ng gobyerno na may tahasan na korapsyon. Kamakailan lang, ay huli sa isang entrapment operation na isinagawa ng Philippine National Police – Criminal Investigation Detection Group (PNP-CIDG) at ng Presidential ANti-Corruption Commission (PACC) sina Manila BIR Revenue District Officer Bethshiba Bautista at si Manila BIR Examiner Rachel Villanueva.

Ang dalawa ay mahaharap sa kasong direct bribery matapos mahuli sa entrapment na isinagawa mismo sa 3rd floor ng BIR building sa Intramuros Manila.

Aktong Akto

Ayon kay CIDG Deputy Director for Administration C/Supt. John Luglug, nakaabang sila sa dalawang suspek at nang maibigay ang pera, agad agad ring umakyat ang mga otoridad upang mahuli ang dalawang suspek sa akto at hindi na makapag deny.

“Pagbigay ho ng pera, kaagad-agad ay umakyat na ang mga tao natin doon and kinuha mismo sa suspek yung money na ginamit.”

Layuning Maubos Ang Korapsyon

Sa ngayon, ang examiner at ang BIR officials ang may karapatan magdesisyon kung magkano ang babayarang buwis ng isang tao o business. Sila mismo ang nagaassess, nagpoprocess, at nagdedesisyon kung magkano.

Nais ng mga otoridad na magkaroon nalang ng simplified assessment at tax rates na susundan, upang mawalan ng kapangyarihan ang mga examiner at officials magdesisyon. Nang sa gayon ay mawala na din ang kapangyarihan nilang maging corrupt at mangikil ng pera kapalit ng pagpapalusot sa mayayamang mga tax payers.

“The powers of examiners, the RDO and supervisors have to be cut and they will have no more power and discretion over assessment, process has to be simplified, tax rates has to be simplified, para ”yung kapangyarihan ng mga examiners at BIR officials sa discretion kung magkano ang babayaran mo ay mawawala.” pahayag ni PACC Commiissioner Graco Belgica.

Ito naman ang naging reaksyon ng mga kababayan natin tingkol dito.

Source: YouTube

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *