“Huwag na Kasing Patulan si Kris Nagsasayang lang Kayo ng Oras” – Jay Sonza

Grabe talaga ka-trending ang away nina Kris Aquino at Mocha Uson nitong nagdaang araw. Maraming kababayan natin ang sumubaybay rito kabilang na ang mga kilalang personalidad sa showbiz at pulitika.

Sa katunayan nga bawat live video at post ni Kris ay talagang nagba-viral at ito ang patunay na marami talagang Netizens ang nagbibigay ng panahon sa kanya para marinig ang kanyang mga pahayag sa social media.

Pero, kakaiba ang naging opinyon o paalala ng isang beteranong journalist na si Jay Sonza. Sa isang post ni Sonza sa kanyang facebook account kahapon ng umaga, araw ng Miyerkules, nanawagan ito sa publiko na huwag na bigyan ng panahon si Kris Aquino dahil aksaya lang raw ito sa oras.

Sa post rin ni Sonza, inungkat nito ang ilang kasaysayan sa Pilipinas na hindi nakasulat sa mga aklat tungkol kay dating Senador Benigno Simeon “Ninoy” Aquino Jr.

Traydor si Ninoy?

Ayon kay Sonza, isa umanong traydor o taksil ang ama ni Kris Aquino at nahatulan rin raw ito noon ng firing squad. Ayon rin kay Sonza, ang pamilya Marcos ang tumulong sa kanya para hindi matulay ang paghatol sa kanya ng kamatayan.

Nakipagsabwatan raw si Ninoy kay Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria “Joma” Sison noon para pasabugin ang plaza Miranda kung saan nagrally ang kanyang mga kapartido.

Marami pa siyang binulgar na baho ng dating Senador.

Basahin po ang buong post ni Jay Sonza.

“huwag na kasing patulan si kris

nagsasayang lang kayo ng oras

malinaw ang kasaysayan ng bansa:

1. batay sa record, ang tatay niya ay guilty of treason o pagtataksil sa bayan at nahatulan ng firing squad (naawa lang si marcos na brod niya fraternity, matapos pakiusapan ni Imelda;

2. nakipagsabuwatan ang tatay niya kay joma sison at cpp-npa para pasabugin ang plaza Miranda kung saan nagrally at kanyang mga kapartido, marami ang namatay at nasugatan.

3. tatay din niya ang pasimuno sa pagpuslit ng mga matataas na uri ng baril para sa NPA at MNLF

4. ipinagkanulo ng kanyang ama ang Pilipinas sa Malaysia na siyang naging dahilan ng pagkawala ng sabah o north borneo bilang bahagi ng ating bansa.

5. umalis patungong Amerika at bumalik ng pilipinas hindi bilang Pilipino, kundi isang Malaysian national (passport ng Malaysia ang gamit).

alam ng lahat ng Kapampangan na matulis pa sa punyal ang kanyang ama pagdating sa mga nakapalda.
bakit hindi itanong ni kris sa kanyang mommy kung bakit galit na galit ito sa kanyang manikurista?”

Reaksyon ng mga Netizens

Umani ng reaksyon ang post ni Sonza. Ang ilan sa kanila ay nagustuhan ang mga sinabi ng beteranong journalist. Ito ang ilan sa mga naging komento ng mga Netizens sa post ni Sonza.

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *