Idol Raffy, Nakiusap na Huwag Idamay sa Isyu ng Kanyang Mga Kapatid

Nagbigay ng komento si Raffy Tulfo ukol sa naging isyu ng kanyang kapatid na si Erwin Tulfo.

Kontrobersiya Ni Erwin 

Matatandaang nagkaroon ng kontrobersiya sa mga maaanghang na komento ni Erwin matapos hindi maibigay ang request nito na ma-interview si Department of Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista. Nagbitiw si Erwin ng mga mabigat na salita na nakaapekto sa personalidad nito bilang isang broadkaster. Aniya sa kanyang radio program,

“Sampalin kita ‘pag nakita kitang buang ka eh, wala akong pakialam ke retired General ka, mudmurin ko yung mukha mo sa inidoro. Dagdag ka sa problema.” 

Paghingi Ng Tawad Sa Pamilya Bautista 

Bunsod nito ay nanghingi ng kapatawaran si Raffy Tulfo para sa mga taong nasaktan hindi lamang kay DSWD Sec. Bautista bagkus ay sa asawa at mga anak nito. Aniya ay alam nito ang pakiramdam nang pahiyain at pagsalitaan ng hindi magagandang salita ang kanilang tatay noong nasa serbisyo pa ito. Dagdag pa rito ay ibinahagi nito ang kanyang personal na pagkakakilala sa kapatid na si Erwin, kung gaano ito kabuti bilang tao, kapatid, at anak. Pagbabahagi nito, close sila ng kapatid at malaki ang pasasalamat kay Erwin dahil ito ang naging daan para makapasok sa TV 5. 

Ibinahagi din ni Raffy na agaran nitong tinawagan ang kapatid na si Erwin matapos malaman ang isyu at pinagsabihan ito. Inusig niya ito na magbigay ng public apology na walang halong maraming salita at drama. 

I Teach What I Preach

Ngunit hirit naman ni Idol Raffy, huwag syang idamay sa mga isyu ng kanyang kapatid kung dahil lamang ay dala dala nila ang iisang apelyido. Aniya ay hindi nito ugali mandamay ng kamag-anakan, partikular na kung may kino-call out ito na isang tao sa gobyerno. Kaya naman ay nagbigay babala ito sa mga tao sa gobyerno na huwag mandadamay ng pamilya at maging mature bilang tao. Ika nga ni Idol,

“Grow up!” 

Suporta Ng Netizens 

Kinabiliban ng netizens si Idol Raffy dahil sa pagiging mapagkumbaba nito. Anila ay mananatiling nakasuporta ang mga ito sa likod ni Idol Raffy at sa mga kapatid nito dahil sa wagas na pagtulong nito sa maraming tao. 

YOutube

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *