Idol Raffy Tulfo, Nagsalita na Tungkol sa Isyu ng Kanyang Kapatid na si Erwin at Gen. Bautista

Mainit na isyu ngayon ang pagkakatanggal ng mga security escorts ng Tulfo brothers dahil diumano sa hidwaan naganap kila Erwin Tulfo at DSWD secretary Joselito Bautista. Sa programa ni idol Raffy Tulfo ay nagbigay na si ng pahayag ukol dito.

Ang Utol Kong Si Erwin

Sa programang Raffy Tulfo in Action ay nagbigay na ng pahayag si idol Raffy tungkol sa nangyaring sigalot sa pagitan ng kanyang nakababatang kapatid na si Erwin Tulfo at DSWD secretary at retired general Joselito Bautista. Maaalalang sa programa ni Erwin Tulfo ay pinagmumura niya ang DSWD secretary sapagkat hindi nito sinasagot ang telepono at sinabihan ang staff ni Erwin na sumulat na lamang at maghintay.

Sinabi ni idol Raffy Tulfo na isang mabait na kapatid si Erwin, isa itong marespetonng kapatid at isang mapagmahal na anak. Itinuturing niyang pinaka malapit na kapatid si Erwin at sinabing malaki ang utang na loob niya dito sapagkat si Erwin ang naging tulay upang makapagtrabaho siya sa TV5.

Ang Payo Ni Raffy

Sa kabila naman ng pagiging malapit nila sa isa’t-isa, sinabi niyang sa isyu ng nangyari kay Erwin at kay Gen. Bautista ay hindi niya kinampihan ang kapatid. Kinausap niya ito at sinabing maling mali ang ginawa nitong pag-aalipusta sa DSWD secretary at kailangan niyang humingi ng tawad dito.

Sa kanilang pag-uusap ay napa intindi niya sa kapatid na si Erwin ang pagkakamali nito. At ng marinig niya ang ginawa nitong paghingi ng tawad sa programa nito, ay hindi pa siya nasiyahan at sinabing kailangan niyang maging tapat at sinsero sa paghingi ng tawad. Nito lamang umaga sa programang Boljak5 ay muling humingi ng tawad si Erwin Tulfo kay Gen. Bautista.

Paumanhin Ni Raffy

Bagama’t wala siyang kinalaman dito, humingi rin ng tawad si idol Raffy Tulfo sa mga nagmamahal kay Gen. Bautista katulad ng asawa at mga anak nito. Ginawa niya ito dahil nuong nabubuhay pa ang kanyang ama na dati ring colonel sa military ay nangyari din sa kanila ang kaparehas na sitwasyon.

Naikwento niyang minsan ay may umabuso rin sa kanyang ama, ngunit ng humingi ng tawad ang kaaway nito ay agad na pinatawad ito ng ama. Sa kabila nito, hindi pa rin matanggap ng mga anak at gusto pa rin nilang gumanti, ngunit pinigilan sila ng kanyang ama. Ito ang dahilan kung bakit humingi ng tawad si Raffy Tulfo sa mga kaanak ni Gen. Bautista.

SOURCE: Youtube

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *