Ikinanta Ng Isang Lumad: Bersyon Ng Pambansang Awit Ng Mga NPA

Malakas ang ugong ng mga balita na nagrerecruit ng mga kabataang Lumad ang grupo ng mga rebeldeng NPA. Ang paraan diumano ng mga ito ay manghikayat ng mga taong hindi nag-iisip at madaling sumunod sa samahan. Nagtatanim sila ng galit laban sa gobyerno upang maging mas maging marumdob ang nararamdaman nito laban sa administrasyon.

Paraan din nila ay ang magpasabog ng mga imprastraktura at magsunog ng mga bahay, eskwelahan, at mga establisyemento sa tuwing hindi makakabayad ng pataw na revolutionary tax ang mga ordinaryong tao.

Pambansang Awit Ng NPA

Ngayon, isang Lumad ang nagbahagi ng isa sa mga turong kanta ng mga NPA. Ito ang kanilang bersyon ng Lupang Hinirang na kinakanta sa parehong tono ngunit iba ang salin at titik.

Isang dating myembro ang nagbahagi at nagpaunlak na ipresenta ang natutunang kanta. Ang presentasyon ay ginanap sa Camp Aguinaldo na kung saan ay ipinakilala ng AFP ang mga batang lumad na nag-aral at nagturo sa mga lugar at eskwelahan na naging NPA infested community.

Presscon Sa Camp Aguinaldo

Ang presscon ay naging daan upang malinawan ang mga kaisipan at paniniwala ng media at ng nakararami ukol sa totoongga pangyayari sa likod ng mga Lumad at NPA. Naptunayan ang mga paratang base sa mga ibinahaging kwento mula sa tribo.

Naging usap-usapan din ng mga netizen ang kamakailang pag-aresto kay Satur Ocampo at grupo nito matapos mahuli sa checkpoint na naglalabas ng mga menor de edad mula sa Talaingod, Davao del Norte.

Katotohanan

Para sa mga netizen, isa itong patotoo na ang ginawang pagkuha nina Ocampo sa 14 na menor de edad ay tunay na pagrerecuit sa mga ito para maging kasapi ng grupong NPA.

Panghahamak Sa Mga Lumad

Ang mga Lumad ay tunay na nangangailangan ng tulong mula sa gobyerno. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang mga pang-aabusong ginagawa ng mga rebelde sa kanilang tribo.

Matagal nang panahon na nangyayari ang mga pang-aalipusta sa kanila na kung saan ay ang mga babae ay pinagsasamantalahan, ang mga bata at tinuturuang humawak at magkasa ng baril.

Lalo na ay matuto makipaglaban sa hanay ng gobyerno. Ang kanilang mga namumuno ay walang habas na pinapatay. Panahon na para matapos na ang mga kapalaluan ng mga rebeldeng komunista.

Ibang bersyon ng pambansang awit na itinuturo daw sa mga Lumad?

WATCH: Bersyon ng pambansang awit na itinuturo umano sa ilang kabataang Lumad sa Mindanao.Ipinresenta ng AFP sa Camp Aguinaldo ang mga Lumad na nag-aral at nagturo sa eskuwelahang ginagawa umanong 'breeding ground' ng CPP-NPA. | via Jonathan Andal/Super Radyo DZBB 594khz

Posted by GMA News on Wednesday, December 5, 2018

Ito naman ang naging komento ng ilang kababayan natin tungkol dito.

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *