Illegal Recruiter na Pastora, Huli sa BITAG Entrapment!

Kamakailan ay may lumapit sa himpilan ng Bitag upang ireklamo ang isang illegal recruiter na sya ring pastora sa kanilang church. 

Pastora 

Naengganyo umano sila sa alok na malaking sahod na umaabot ng 75,000 sa pagiging caretaker sa ibang bansa kaya naman naglabas ang mga ito ng pera upang matulungan sila na magkaroon ng magandang oportunidad sa ibang bansa. Naging kampante umano ang kanilang kalooban dahil pastora ito sa kanilang simbahan. Ganunpaman, matapos makapagbenta ng kanilang ari-arian upang matugunan ang malaking kabayaran kapalit ng trabaho sa abroad ay tila nagkagulo na ang sitwasyon. 

Entrapment Operation 

Sa pamamagitan ng isang entrapment operation ay nahuli si pastora na tumanggap ng pera. Nang hulihin ito ng grupo ng Bitag ay nanghingi ito ng tulong sa isang General. Hindi lamang isa ngunit maraming general itong tinawagan at tila ginamit pa ang pangalan ng Diyos sa mga kalokohan nito. Sa kabila ng pagbabanta gamit ang mga heneral na kakilala nito, wala ni isa ang nagawang makatulong rito. 

Illegal Recruiter 

Sa sasakyan papuntang Camp Bagong Diwa, hindi napigilan ng mga biktima na komprontahin ang asawa ni Pastor. Umiiyak ang mga ito at galit sa ginawa sa kanila ng pastora. Anila ay inubos nito ang kanilang pera at lubos ang pagkamuhi dahil naibenta din pati ang mga ari-arian ng mga ito. Patuloy naman sa pagtanggi ang pastora na tumanggap ito ng pera ngunit kitang-kita naman sa video ang pagtanggap nito ng mark money. 

Visa Application

Sa istasyon ay hindi napigilan ng isang biktima na sugurin at saktan ang pastora. Napigilan naman ito ng mga pulis. Ayon sa asawa ng pastor, wala itong tinanggap na pera mula sa mga biktima at wala itong ahensya o koneksyon sa kahit anong ahensya. Ang business nito ay visa application na pinagbabalakang itayo sa Guadalupe mall ng isang lalaki na partner nito. 

Binatikos 

Inulan ng batikos mula sa netizens ang pastora. Anila ay masamang ginagamit pa ang pangalan ng Diyos sa mga kalokohan nito at hangad na pamiminsala sa mga tao. Halos usigin ito ng mga netizen dahil sa pagyayabang pa umano nito gamit ang mga general na kakilala nito upang malusutan ang pagkakadakip sa kanya.

Mahalagang Paalala 

Paalala ng mga netizen at ng Bitag program, huwag magpapaloko sa mga illegal recruiter at huwag agad maniniwala sa mga mabulaklak na salita ng mga ito. Maging alisto at sa mga lisensyadong ahensya lang makipagtransaksyon kung nais makapagtrabaho sa ibang bansa. 

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *